Ang pag-arte ay isang talento na kailangan maging bihasa ang isang tao para siya ay masabing magaling sa entablado. Ito ay isa sa mga pinakaimportanteng elemento ng pagtatanghal sapagkat ito ang magdadala ng lahat ng emosyon sa isang dula. Tulad na lamang ng Sandaang Panaginip ng ENTABLADO. Dahil sa mahusay na pag-arte ng mga aktor at aktress, mas nabigyan ng malalim na kahulugan ang dula. Bago kami manuod ay inakala namin na hindi namin magugustuhan sapagkat ito ay Filipino at magkakaroon kami ng pagsusulit kinabukasan. Ngunit nang mapanuod namin ang dula, natuwa kami sapagkat una ay nandoon ang propesor naming at ikalawa ay magaling mag inarte ang mga aktor at aktress. Binigyan nila ng buhay ang mga tauhan sa kwento. Habang nanunuod ay naramdaman naming ang tuwa, inis, lungkot, at iba pang mga emosyon na ipinakita ng mga tauhan.