April 10, 2019
Today is the 1 year and 7 month' day na hiwalay na kami ni Edcel (November 14, 2020) I broke up with her April 10th last year. Kamusta na ba ako after those months? I am checking myself today, naka-move on na ba ako? OK na ba ako? Affected pa ba ako? Mahal ko pa ba sya? Naiisip ko pa ba siya?
Kapag minahal mo ng sobra yung tao tapos naghiwalay kayo narealize ko na hindi na siya maaalis sa sistema mo. Naka-engrave na siya sa pagkatao mo. Lahat ng memories niyo, memories na lang. Good and Bad. Masasabi ko ngayon na mas okay na Ako. Mas hindi ko na siya naiisip, madalas na yung araw na mahimbing ang tulog ko kesa sa araw na hindi ako makatulog dahil naiisip ko siya o yung nangyare sa amin. Hindi ko masasabi na naka move on na Ako. Pero pakiramdam ko ok na ako gets niyo ba? May times na tinitingnan ko tiktok niya kahit wala naman siyang bagong upload, lagi kong kinakausap sarili ko pag ginagawa ko yon tas nakatingin sa videos niya "makakamove on rin ako sayo, dadating yung araw na hindi na kita iistalk". May times na hindi Ako okay, pero salamat sa isang tao na nakakausap ko ngayon kasi kapag sinasabi ko sakanya na ganito Ako. Siya yung nagbibigay ng lakas sakin na Maoovercome ko din yung bagay na pabalik balik sa akin.
Guys, kung iniisip niyo na ang tagal tagal na nun bakit hindi pa din Ako maka move on. Ang masasagot ko lang, hindi ko alam. Hindi niyo rin naman alam kung anong klaseng pagmmove on na yung ginawa ko makalimutan lang siya. Tama at Mali ginawa ko na. Nakasakit pa ako ng mga tao na hindi naman dapat, well, hindi lang talaga nila deserve yung chance at space sa puso ko. (which is eto yung kinaka-proud ko sa sarili ko ngayon, kasi I can easily walk away especially when I feel na hindi nila binibigyan ng value yung worth ko.)
Mahal ko pa ba siya? Tulad nga ng sinabi ko pag naman kasi minahal mo yung tao higit pa sa sarili mo hindi na siya maaalis sa sistema mo. Magaalala ka pa rin sakanya, maiisip mo pa rin siya. Pero tulad ng sinabi ni Kimpoy Feliciano sa vlog niya, yung pagmamahal na yon hindi na something special na gagawin mo lahat para sa taong yun, yung pagmamahal na yun e bilang tao na may pinagsamahan kayo in the past. Honestly, oo bitter ako sa panloloko niya nasaktan ako. Kaso tapos na e, nangyare na. Kaya ako umalis sa relasyon namin kasi hindi ko siya kayang harapin. Yung ginawa niya, hindi sapat yung sorry para sa chance na hiningi niya. She also told me, few months ago after we broke up na nang-iwan daw ako sa ere, na hindi ko raw alam gaano kahirap yung naging sitwasyon niya sa barko after namin magbreak. Sana lang napatawad niya na Ako doon. Kasi ako napatawad ko na siya pati na rin sarili ko sa pagbabaya na humantong kami sa ganong bagay. Marami ako natutunan sa relasyon namin. Sobrang dami. Mas nakilala ko yung sarili ko yung sarili ko after namin at mas kinikilala ko pa. Mas nagkaroon ako ng time sa sarili ko, sa pamilya ko at kaibigan ko.
Do I still care? Yes, minsan may times na gusto ko siya imessage. Alam ko number niya, kabisado ko pa hanggang ngayon. Namimiss ko siya not only the memories. May ilang beses nga rin akong attempt na balikan siya pero mabuti na rin na matigas na siya at ayaw niya. By that, hindi na kami toxic ulit. Minsan din naman iniisip ko na, miss ko ba siya o yung mga bagay na pinaramdam niya sa akin noon? Nalulungkot nanaman Ako. Bakit kasi ako gumagawa ng gantong blog kung blog ba talaga ito.
Babasahin ko ulet ito after ilang months, years - actually binabasa ko lahat ng mga kadramahan ko noon gumawa pa ko ng mga poem na wala naman sa rhyme tapos related sakanya, CRINGE.
Sana kung mabasa mo to, Noreen in the future. Okay ka na, happy ka na, successful ka na, contented ka na, stable ka na at mas strong. Wag ka iiyak kasi you deserve where you are right now. The person who hurt you the most, don't curse nor hate her may reason bakit nangyare lahat. Diba? Kaya andyan ka ngayon sa kinatatayuan mo. Masaya at Kuntento. Hindi ko alam kung anong estado mo ngayon pero masaya ako para sayo, proud ako sayo kasi nakarating ka sa ganyang sitwasyon. Thank you for holding on. Thank you for not letting go of yourself. Thank you for being strong. Sa lahat ng challenges, hindi lang kay Edcel. Sa lahat ng bagay, tao at pangyayaring minsan gusto mo na sumuko. You didn't let go. Thank you for forgiving yourself, for letting go of the past, for accepting yourself, for changing all the bad habits. Naiiyak ako ngayon kasi navi-visualize ko yung sitwasyon mo ngayon. Kung ano man naging at magiging plano ni Lord sa'yo. Accept it. Embrace it. Alam kong kaya mo at kakayanin mo.
Message ko para sayo Edcel, prayers ko lang maging successful ka. Yung pangarap mo nung tayo pa sana maabot mo. Promotions and Health for you. Sana may mag-alaga sayo kasi tumatanda ka na. Bukod sa family mo sana maka hanap ka ng taong uuwian mo, hindi man ako yon pero nasa prayers ko na sana maayos kayo at smooth. Ain't mad at you, thank you kasi inalagaan mo ko sa 2 years natin puro lang happy moments yon kahit puro away. Dami ko natutunan, di ko alam kung galit ka pa rin sakin hanggang ngayon (sa araw na mabasa ko ulit ito) kung may communication na ba tayo ulet or wala na talaga. Pero sana okay ka. Masaya ka. Kasi ako, I'm fighting. May paki ka man o wala. Haha. Kung di to nangyare, hindi ako magma-mature. So still, thank you.












