My Post ECQ Story: KAMI AY PINAGTAGPO... ULIT.
June 15, 2020 - Lunes
Jampacked. Box office. Whatever you call it. Maraming crew ang nag-report, mostly PEME sa clinic. Medyo stress pero maganda naman ang mood ko the whole day. Here's why...
Na-abisuhan ako ng isang office staff ng manning agency - naka-sked ang isang crew. Kapitan to be exact. Sa madaling salita, si "Jaime" yun. (Not his real name) 😂
Legit ang awkwardness na nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Syempre observe physical distancing. So nasa harap ko na siya, nagsusulat sa log sheet. Panay ang kumustahan namin. What made it awkward was... tinatanong niya ako kung saang floor ang clinic? Nag-uulyanin na yata. Charot! Sinagot ko lang siya professionally. Tapos ang dami pa niyang tanong, and I think that's normal. So mukhang nire-refresh pa niya ang kanyang utak. Ngayon lang talaga siya napadpad sa building. Natatandaan ko pa yung huling report niya, Feb 20, 2020 - yung time na nagturo siya (because he's a part-time instructor). That was 4 months ago.
Nagtagal naman siya sa building. Before lunch time na siya lumabas kasi meron pa siyang training sa Far East.
Ibig sabihin... may line up na siya. Ulet. 😔
Mami-miss ko na naman siya.
Sagutin mo na kasi, Ate Girl! Sabihin mo "I love you, Capt. Jaime!" Charot! 😂
Ang babaeng forever alone...
- AC
















