Kasisimula pa lamang ng Facebook at ni wala pa siguro sa isip ng mga tao ang Instagram nang kumuha ako ng student permit sa LTO sa kauna-unahang pagkakataon. Pagkalipas ng walong taon at tatlong beses na pagkuha ng student permit, mayroon na akong lisensya para magmaneho, at masasabi kong ito'y nakuha ko nang may "due process". Ang aking mga mapangahas na araw ng pagmamaneho sa Cubao, Maria Clara, Banawe, Nagtahan, atbp. nang walang lisensya ni permit ay pawang alaala na lamang. Salamat sa napakaraming taong nagturo at tumulong sa akin. Sa mga hindi at bagkus ay nagsilbing sagabal, salamat na rin. Pasensya na lamang kung mag-post ulit ako kapag nakuha ko na ang kard sa loob ng 3-6 buwan. Masayang-masaya lang talaga ako dahil alam kong pinaghirapan kong makamit ito. #driverslicense #adulting #drivingisnotaright #drivingisaprivilege (at Land Transportation Office (License Renewal) Las Pinas Branch)












