Sinulat ko lahat ng goals and dreams ko para lagi kong maalala na abutin ang mga pangarap ko na yun. Hindi naman masamang mangarap, pipilitin kong tuparin unti unti. Kasama ng dasal ang sipag at tyaga. Kayang kayang yan! Kapit lang! May mga pangarap na akong natupad. Matagal man, pero atleast nagkatotoo sya. Kaya naniniwala ako sa matinding dasal. Nakikinig ang Diyos. Maniwala ka.. Kaya maging masaya na lang tayo sa buhay natin, wag na tayong mangealam ng buhay ng ibang tao. Sa totoo lang, ano bang napapala mo dun? Umaasenso ba ang buhay mo sa ganun? Maging masaya tayo sa achievements ng ibang tao, gawin natin yung inspirasyon para tayo din maachieve natin ang dreams natin. Tanggalin ang inggit sa katawan. Kung marami ka nyan, bawas bawasan mo na girl utang na loob!hahaha #goaldigger #dreamchiever
















