nasa dulo pero hindi alam kung paano napatungo rito, nasa mundo pero wari’y walang buhay ni matanaw na anino, nagsimula ba sa umpisa o hinayaang maging isang pahayagan sa araw-araw ang bawat tala nang ‘di matuklas na pag-asa. At patuloy na bukas at binubuksan ang karugtong na pahina nang sana’y sariling pagtahak sa lilim nang hindi pag-imik at sa kubli nitong damdamin na palutanglutang sa himpapawid.














