Day 3 without HER 😑 Ika tatlong araw na. At bago magtapos ang ikatlong araw ng pighati ko bigla tayong nagkita. Di man nagtama ang mga mata pero alam kong nakatingin ka. Di ko alam kung naiinis ka pa sakin. Iniisip ko nga kung pano nangyari ang lahat. Di naman alam ng barkada mo na magpupunta ako sa lugar na yun. Bigla nalang siyang tumawag. At syempre dahil iniiwasan kita tinanong ko kung sino mga kasama niya. Sabi niya mrt team daw. Syempre wala ka dapat dun db? Kasi ortigas team ka. Tapos tawag pa din ng tawag yung kaibigan mo sakin. Tinatanong kung asan na daw ba kami. Tapos dumating na kayo. Dumating kayo tapos nagulat ako kasama ka. Kasama ka niya. Sa pagkakagulat ko nagulat din yung puso ko. Nalimutan yung inis sayo. Tapos saglit lang yun. Sobrang saglit kasi may kasama din akong iba. Naghiwalay na tayo. Ng di man lang naguusap o kahit tango wala. Sobrang saglit pero natuwa talaga ko. Ang tagal na din kasi halos isang linggo na din. Isang linggo na iniiwasan kita. Nababaliw na ko, mas nababaliw talaga ko pag di kita nakakausap. Parang mas mahirap magmove on pag ganito. Mas madali pa yung nakikita kita tapos kachat mo si ano. Tapos ssendan mo siya ng picture ng kinakain mo. Tapos update mo siya. Pootangina. At dahil sa sobrang naapektuhan na ko ng mga nangyayari namili ako ng book. ANG MAGLANDI AY DI BIRO! Di nga naman talaga biro akalain mo yun natutulog ka lang isang araw tapos bigla ka niyang guguluhin di ka patutulugin tapos maiinis pa sayo. Ikaw pa yung nakakainis. Napuyat ka na kakalandi ikaw pa yung nasaktan. Wew 😑😑 Quote of the day: Who would have thought that in losing you. I'll lose myself too?













