Day 2 without HER 😡
Nakakainis kanina hindi na kita iniisip. Di na kita naalala. Syempre dahil di na kita naalala, pinaalala ka naman ng kaofficemate ko. Grabe yung binalita niya sakin kanina. Di ko talaga alam mafefeel ko. Alam ko naman na hindi tayo at hindi ka akin. Pero bakit ganun yung naramdaman ko haha tangina lang. Nagssendan pala kayo ng picture ng kinakain niyo ng kaofficemate naten na umalis na sa company. Hahaha sweet niyo aa. At updated pa daw talaga kayo sa isa’t isa. Edi wow kayo na. Nakakapagtaka lang kasi si ex-officemate siya pa yung nagaadvice sakin na baka wala kang gusto na baka ganun lang talaga ikaw. Siguro nga magkaibigan lang kayo pero iba kasi yung naramdaman ko. Alam ko naman walang karapatan kaya keri lang. E sa iyon yung naramdaman ko ngayong araw e. Alangan naman lokohin ko sarili ko db? For the sake na ano? May makabasa neto fck! Magpapakatotoo lang ako. Nasaktan talaga ko kahit konti lang. Hindi dahil sa ginawa niyo kundi sa ex-officemate ko na possessive sayo. Naalala ko tuloy yung nagaway kamo kayo. Sakin mo pa talaga sinabi na naiinis ka sakanya. Kasi nagalit siya ng di mo siya nireplyan. Wtf db? Pero keri lang talaga atleast ngayon mas may rason pa ko para kalimutan nalang talaga tong nararamdaman ko para sayo. Masakit, mahirap at baka di ko pa kaya pero pipilitin ko lalo na kung ganyan yung sitwasyon.
Natawa nga ako sa book na nakita ko sa national bookstore. Yung book ni dani hernandez. Tangina tawa talaga ko ng tawa. About yun sa mga one sided lovers! Oo ako! Ako yun one sided lover na yun. Di ko maamin kasi naduduwag ako. Natotorpe ako pag kausap kita. Kaya ang ending nakikinig lang ako sa lahat ng kwento mo.
Sabi nga sa kanta kung kelan okay ka na. Wala na bigla kang “heto nanaman kumakatok sa aking pintuan muling naghahanap ng makakausap” aba syempre “ eto naman ako nakikinig sa mga kwento mong paulit ulit lang. Nakikinig kahit nasasaktan.
Potangina talaga tong araw na to. Ewan ko kung anong mararamdaman ko. Pero ang sakit talaga. Pero di ako iiyak kasi di naman ako iyakin e. Saka na pag naginuman na dun ko nalang ibubuhos lahat ng sakit.
Kahit corny pag di ko na kaya iiyak talaga ko. 😫😫 Makatulog na nga mga punyeta kayo.
Quote of the day: One of the hardest parts of life is deciding whether to walk away or try harder.












