Day 1 without HER 😵 Kahapon nag deal kami na di kami magchchat or magttext for 3weeks. At ngayon patapos palang ang unang araw mula nung nagkasundo kami dugo sa dugo. (Seryosong sumpaan) At syempre para di ko malimutan kung anong nangyari ippost ko nalang dito sa tumblr ko tutal naman tumblr ko to. blog ko to na wala namang bumabasa ng mga post ko hahaha so hindi na ko mahihiya ikwento sa sarili ko kung ano ba talagang nararamdaman ko ngayon. Sa totoo lang okay naman ako ngayon medyo di ko siya namimiss although nakwento ko siya sa kaofficemate ko. Tinanong ko kung anong nangyari sa kanya kanina kasi nga nag iba ako ng shift para maiwasan siya. So wala akong idea kung ano ba busy ba siya kanina? Ang sabi naman ni kaofficemate ok naman daw kanina. Di ka na daw masunget siguro kasi Wala ng nangiinis sayo. Kaya di ka na masunget. At speaking of nangiinis. Iniisip ko pa din kung annoying ba talaga ko kaya ka naiinis sakin. Kasi nakwento mo kahapon na naiinis ka sakin sa di malamang dahilan at may tamang panahon pa para sabihin mo yung totoong rason kung bakit. Nakakapagtaka lang paulit ulit ko pa ding iniisip. Wala naman akong masyadong katangahan ginawa ngayon nanuod lang ako ng got2 believe ni rico yan at claudine baretto. Hahaha sure ako gusto mo din panuodin yun. May linya nga dun si rico e sa bandang dulo ang sabi niya “hindi ko ipinagpipilitan yung sarili ko sayo ang gusto ko lang malaman mo na mahal kita and i am sorry for that” syempre sabi naman ni clauds “you dont say sorry when you love” kinilig ako ng sobra at syempre nasa isip ko din na sana. SANA lang naman ganun din yung sabihin mo. (Hopia pa po) Ayun ayun lang naramdaman mo today. Bukas naman. Sana bukas… Kaya ko pa din ☺️ goodnight world. Goodnight nhube 😝😝😝 matulog ka na. Bukas di ka pa din niya mahal. Hahaha Quote of the day: I loved you at your darkest









