Ganito kami nagsimula ng dadabear ko. :) May tambayan kaming magtotropa sa korokan. (dipa namin siya kilala nun) since 2nd year ako dun nako nagyoyosi, palipas oras etc. tapos nag lay-low ako dun nung 3rd Year ako kasi andaminh issue na nangyayare. :) Kaya ako iwas muna. So, Ayun na nga edi one time mag tatanghali nun dumaan ako dun. :) Same faces except sa isang lalaking nakaupo, nakaearphonees at nakatingin ng deretso sa mga mata ko. Edi bumeso ako sa mga tropa tapos siya nakatitig padin siya. (Iniisip ko nga kung bakit e) tapos biglang nagsalita si Kuya Fern. Kuya Fern: Be, Si Raymond nga pala pinsan ko. (tapos tinuro niya yung lalaking sinasabi ko, edi tumayo siya tapos inabot yung kamay nya) Raymond: Hi, Raymond nga pala. Ako: Hehez. Hi din, Lynwell po. tapos ayun nagyosi nako. Saglit lang ako dun kasi madami kami inaasikaso sa Council nun. The nextime we met same place kaso nauna ako sa tambayan. May isa akong kasama tapos dumating siya may kasama ding isa dko na maalala kung sino. Tapos he gave me a cute smile. :) So i smiled at him back. :) Tapos ayun umalis din ako agad kasi may klase ako. Lagi akong naalis agad pag nandun siya at dko din alam kung bakit. Same day, Paakyat ako sa council office(CITCS) tapos nakita ko siya dun kasama si Jhayskie(Tropa ko na tropa nya din pala sa Ilaya) Tapos ayun na Hi ako kay Jhayskie di ata ako napansin ni mong nun tapos nag CR ako pag balik ko tinawagan ako ng mga kaklase ko na may klase nadaw kami so, ayun nagpunta nako ng room. After 3 weeks or 2 weeks ata bago kami uli nagkita. (Sa tambayan uli, Kasama niya si Jhayskie) Tapos ayun magyoyosi sya nun. Andun lang ako nakaupo sa bungad ng tindahan nagsmile ako sa kanya tapos nilapitan ko si Jhayskie para makipag apir. Nagkulitan kami ni Jhayskie habang nagyoyosi siya. Hinihiram kasi ni Jhayskie yung Braces ko kasi manliligaw daw sya. Haha. :) Apakagago diba. Tapos yung mukha ni Mong parang tanga kasi parang gulat na gulat siya sa nakikita nya. Tapos ayun umalis na sila kasi magdodota daw sila. Same day (nung gabi na) Nagulat ako kasi may natawag sakin na # lang. edi sinagot ko. Ako: Hello? Unknown #: Si weng ba to? Ako: Opo, Sino po sila? Unknown #: Si Jhayskie to weng. Ako: Oh, Bakit po? San na nakuha number ko? Jhayskie: Ke Beetwo(Co-officer ko na kaklase nya) Ako: Ahhh, okay po. bat ka napatawag? Jhayskie: Text kita mamaya pag uwe ko. Ingat siopao. Ako: Haha. Sige po. Ingat din. ** End of call ** tapos ayun mga Bandang 10pm siguro siya nagtext buti gising pako tsaka natiming-an nyang may load ako apakatamad ko kasing magtext. J: Weng, kilala mo si raymond diba? A: Haha. Opo, tropa lang din po sa tambayan pero dko pa siya nakakausap ng matino. Bakit po? J: Nagulat kasi siya nung nakita nya tayong nagkukulitan kanina. Pag alis namen ganito sabi nya. *raymond: pre, kilala mo yung chix na yun? * Jhayskie: Oo pre, kaibigan ko sa council. Officer namin yun e. *R: Tangina. buti kapa nakakakulitan at nakakausap mo siya ng ganun. Ang cute cute nya, mali ang ganda niya pala sobra. Na love at first sight ako sa kanya noong unang beses ko palang siyang nakita, kwentuhan mo naman ako tungkol sa kanya. *J: Haha, sabi na e iba tingen mo e. Crush ko din yun pare. Martyr yun. May Bf yun 6 Years sila kakabreak lang nila nung June. Isa ko sa iniyakan nun, isa ako sa nakakita ng kahinaan nya, isa ako sa nagpahiram ng balikat para sandalan nya. Ginago yun, niloko, pinagpalit ng ilang beses pero tinatanggap nya padin. Grabe no? *R: Syet! Alam ko na. Simula ngayon dimo na diya pwede naging crush ok? Walang talo talo pare. *J: Haha. Oo pare. **End of conve nila. Ako: Haha. Ano kaba malay mo nagtanong lang siya. Di totoo yun tange. Jhayskie: Matagal ko ng kilala si emong. :) Niloko din yan ng Ex nya tapos may Bestfriend siya ngayon pero sabi ni emong "PANG SATISFIED LANG" para lang dw may kakampi siya parang ganun. Ako: Eh, ayun naman pala e. may Bestfriend namab pala. Ako din madame akong bestfriend na lalaki. Haha. Jhayskie: Basta kinwento ko lang sayo. :) nalaman mo din tuloy na crush kuta haha. Ako: Wala yun ano kaba. osiya bukas na tayo uli magtext. Naantok nako. :) - End of conve. Tapos dumaan ang mga araw na busy ako at di ako nakakapuntang tambayan. Di ko din nakakasama mga tropa. Siguro 1 buwan mahigit din pero nakkatext ko sila, lagi nila sinasabi may nag aantay at naghahanap daw sakin sa tambayan. Si jhayskie din nakakatext ko. Hanggang sa isang araw bumaba akong tambayan uwian na nun sguro mga 7:30 na ng gabi. Pagdating andaming tao. Tapos sabi nila namiss daw nila ko. Edi ayun kwentuhan ng malala. Tapos si Mr. R nandun lang siya sa gilid may nakasaksak na earphones sa tenga, He's staring at me. Ang scary lang. medyo malayo siya sakin kaya kalma lang ako. Napatingin ako uli sa direction nya nagsmile siya. So, ayun nilapitan ko siya tapos nagsmile ako sa kanya tinanggal ko yung isang earphone nya. Tapos.. Ako: Hi, Kilala mo pako? Siya: Oo naman baby. (pabulong lang yung baby) Ako: What? S: Sabi ko Oo naman po (Tapos kinurot nya ko sa pisnge) A: Aray. (Gumanti ako, Kinurot ko siya sa ilong) S: Hahahahahah. Ang kulit mo pala talaga no. Nakakagaan ng loob. :) A: Oo naman tropa tayo eh. ( Tapos makikipag apir ako sa kanya kaso biglang nabago yung facial expression nya) Oh? Bakit? May mali bakong sinabi? S: Wala po. :) Tapos ayun Siguro after 1 week bago ako uli bumalik ng tambayan. Tanghali yun. Vacant ko walang prof. Andun siya kasama sila Booz. Nakaupo ako sa sako ng buhangin. Kaharap ko si Booz tapos katabi nya si Emong. Booz: Bes, Ilang buwan simula nung naging single ka ah? 4 mos. na ata? *** (Si booz niligawan nya ko dati kaso binasted ko siya tapod sabi ko maging nag Bes nalang kami) Ako: Oo nga bes. HAHA. :) Okay naman ako e. Anjan naman kayo. (Si Mr. R nakikineg lang kasi napansin ko nung nag uusap na kami inoff nya yung music sa phone nya tapos tinanggal nya yung earphones nya. Booz: Sabagay Patchot yan e. Ayaw mo ng nakakatext? Ako: Text nyo ko. Haha. Para namang di nyo ko kilala Masipag bako mag text? Hello. Seenzoned nga mga text nyo palagi e. Hahaha. Bat may ibibigay kabang katext? Akin na bilis. Sesave ko. Malay mo madagdag sa Friendlist ko. Booz: Teka, eto. 09.......... (tinype ko naman edi isesave ko na sabi ko) A: Anong pangalab neto? Emong: Teka, Parang # ko yan ah? Haha. A: (Inulit ko yung #) Eto? (si Booz natatawa lang) E: Oo. Akin yan. A: Sesave ko paba? E: Oo naman. Text ka pakikala kapo ha? (Tapos yung smile nya BIG SMILE) A: Okkidoki. :) Save na. Ilang araw simula nung sinave ko yung # nya dko paden sya tinetext. Haha. Nagkita kami ulit sa tambayan. Same routine :) Tapos naisipan ko pag tripan siya. tinext ko siya Ako: Hi. Siya: Sino ka? Ako: (Aba ambilis magreply, Sinisimplehan ko lang pagtetext baka mahalata ako e) Ahh. Christine po pala. Ikaw? Siya: Christine? Wala akong kilalang Christine wag kana magtext kasama ko Gf ko. Ako: (KASAMA MO GIRLFRIEND MO? ASAN DTO) hahaha. Makikipagkaibigan lang naman po ako. Siya: Hindi pwede kasama ko Girlfriend ko. Loyal ako sa knya! Ako: Ano po bang pangalan ng Girlfriend nyo? Siya: Lynwell Torres! Wag kana magtext Bwiset.. Ako: (HAAAA? WHAT? Ako yun eh.) Sino yun? Makikipagkaibigan lang naman ako e. * Dina siya nagreply. After 30 mins. may nagtext sakin. Raymond: Hi Christine. :) Ako: (Napatingen ako sa kanya, Nakasmila siya pero di sya nakatingen sakin) Hello po. Raymond: Ang cute cute mo naman po. :) Ako: Ha? Raymond: Mali, Ang ganda ganda mo pala. :) * Di nako nagreply, pinagtitripan nako e. Hanggang sa may nagtext nanaman. Raymond: Tingen ka sa Kanan mo.. Ako: ( Syet titingen bako o hindi? Wag nalang) Raymond: Uy. Raymond: Christine Raymond: Pansinen moko! Raymond: Wag ka sumimangot, Cute kapa din. Raymond: Uyyyyy! (Hanggang sa pag angat ko ng ulo ko nasa harap ko na siya, Nagulat ako sobra) Ako: Oh bakit anjan ka? Raymond: Sabi ko kasi sayo tingen ka sa kanan mo. Ako: Ha? Raymond: Matagal ng nakasave # mo sakin. Nahihiya lang ako itext ka. Christine pa ha? Haha. Ako: Haha. Anong sinasabi mo? ( Maang maangan pako) Raymond: Tingnan mo mag nagtext sayo. Ako: (TININGNAN KO) ** 1 new message from Raymond Bolivar. R: Huli. :) Open mo yung message. Ako: (Inopen ko, nakalagay pwede ba kita alagaan? ) Nakakatawa yung text mo. Ano ko tuta? R: Seryoso ako. A: Bahala ka Magagalit Bestfriend mo. R: Sige ganito aayusin ko muna lahat tapos aalagaan na kita pwede? A: Tingnan naten Haha. After nyan. Sobrang dami ng nagbago sa knya, sakin sa buhay namen :) Nextime ko na itutuloy. :)