Every Blog Deserves to be Followed.
Aminin man natin at sa hindi ay kailangan talaga ng followers. Unang una bilang sila ang ating magiging mga mambabasa at pangalawa maging kaibigan natin sila. Bonus pa nga minsan na may nagkakatuluyan.
Eh bakit nga ba kailangang may followers ? Syempre para may makabasa nung mga pinaghirapan nating isulat. Tsaka para may makaappreciate ng kada letrang binuo natin para maging blog entry. Haha medyo malalim.
Pero eto lang talaga. Lahat tayong blogger may mga tinatagong brilliant idea na dito natin sa tumblr o kahit sa ibang blogsite nailalabas.
Yung mga brilliant idea na yan ang dapat na nababasa ng bawat followers natin. Kasi paniguradong kapupulutan nila ng aral ang bawat blog entry o kaya naman inspirasyon.
Pero di naman talaga bilang ng mga followers mo ang mahalaga. What really counts is your readers and those who appreciates every blog entry you post. Wala kasing kwenta na marami kang follower pero di naman nila pinapansin mga sinusulat mo.
Parang tinanggap nila yung binigay mong tinapay pero di naman nila kinain. Sayang. Di man lang nila maa-absorb yung sustansyang meron yung tinapay na binigay mo. Di man lang sila makakapulot ng bagong kaalaman dun sa sinulat mo.
Bonus na din na magkaroon ng mga notes ang kada entry mo sa blog mo.
Lahat ng Blog kahit ano pa mang uri yan personal o photoblog man kahit porn pa eh kailangan ng followers na makakaappreciate ng bawat entry na ipopost nila.