Canteen Blues~
7:29am
I woke up crying today. Grabe nang kapalpakan ko.
Last Friday, Oh, wait. Don't ever do this ok? Last Friday, di ako pumasok. Know why? Hindi kasi ako nakapag review sa Psyc. Ayoko naman pumasok ng bobo. haha. Di lang yon. Di pa ako naka gawa ng report sa Fil. *Wala kasi akong book. *PERO! Hindi sapat na dahilan yun. Talagang nag pabaya kasi ako. :( Kung responsable at matyaga kang estudyante, MATATAPOS mo lahat ng kailangan sa tamang oras. Pero ano? Eto nanaman ako ngayon. Nasa canteen. Parang tanga. 7am pasok ko. Ano nanamang nangyare sayo, Kynt?
Umuwi ako sa Laguna last Friday. Wala naman akong ginawa kundi tumanga sa harap ng computer. NAG-ARAL. OL kasi yung mga lessons namin. Nasa edmodo.com. So ayun, basa, sulat, sagot ng activities. Natapos ko naman lahat awa ng Diyos. Yun, pinaprint ko. OK na yun, papasa na lang. Bumalik na ko dito sa dorm (Manila) Sunday ng gabi. Sa sobrang antok, pagod, at dami ng iniisip ko , Naiwan ko ang activities at report ko sa sasakyan. Ayun nasa Laguna na uli.
Alam mo yung feeling na pinag hirapan mo, pinag paguran mo, pinag puyatan mo, at sinikap mong matapos para maipasa mo on time, tapos wala ding kwenta kasi pinairal nanaman ang katangahan? Haaayy! Nganga! haha
Kaya eto ngayon. Nag mumukmok sa canteen. Di maubos ubos yung breakfast ko. Wala akong gana. Bago ako kumain, nag pray ako. Sobrang di ko na napigilan, umiyak na ko. Sobra kasi akong depressed na. Yung feeling ko ang tanga ko na talaga. Tapos binabalewala niya nalang ako. Hindi ang Ama ha. Siya. So yun, nag pray nga ako, umiiyak na. Sabi ko dito lang Siya sa tabi ko kahit sobrang palpak ako. Pinigilan ko na si tears. Oh tama ka na. Nasa harap ako ng tocino at kanin eh. Walang bastusan, diba?
Hay, nakaka ilang chuckie na ko.Dalawa lang naman. Pero, Hoy! Di biro ang chuckie! 30 pesos kaya isa neto dito sa dorm. Haha futangna diba? Ok, comercial.. Pag na-hohomesick ako, umiinom ako ng chuckie. It helps. haha. Pero konte lang. Ang kailangan ko talaga kausap. Familiar faces. Kaibigan.
Grabe, nag sisimula pa lang college, pasala sala na ko. Grabe. Grow up girl! Di ka na HS. LAST NA TALAGA TO! Makikita nyo. ;)








