So nangigil ako sa mark down ko sa quality stats ko. Syempre di ako papayag na imark down ako sa alam kong tamang process! Dahil diyan kumain ako, stress eating ! umorder ako sa chowking ng Milky White Halo-Halo at pork chao fan with lumpiang shanghai na toppings. Sa gulat ko, wala pang 5 minutes dumating na yung halo-halo which typically nahuhuli ang serve. nag wait ako sa ulam ko an pork chao fan. ANG TAGAL :( hinalo ko yung halo halo, halo makakalahati na ako wala paring chao fan. lumapit na ako sa counter with gigil looks.
Me: Wala pa po? *sabay angat ng number 76 na table number*
Cashier1: Ano po order nyo?
M: Pork Chao Fan po yung toppings lumpiang shanghai.
Cashier2(Lyra): *Kausap yung cashier1* Walang shanghai
C1: *nag tanong sa kusina* may ready na bang shanghai?
C1: Sir pwede ilipat nalang natin sa iba yung toppings?
C1: Ano na pong toppings sir?
Ayun natapos yung conversation. sana nung una palang sinabi na wala palang shanghai, mag 30 mins na ako nag hihintay, nauuna pa magkaroon ng chao fan yung mga bagong dating.
So ayun, dahil sa gigil ko, wala pang 1 minute ubos na yung chao fan.
WALA LANG as usual, daily kwento about sa lunch time ko