We're all in this together
Ang hirap pala, akala ko masaya. Okay na yung kumikita ako, napupunan ko gusto niya at gusto ko; mga pangangailangan ng anak ko. Somehow, nahihirapan ako. Naiiisip ko minsan kung bakit? Bakit ang hirap mag-adjust sa taong sobrang daming alam sa buhay tapos ako eto mangmang, bakit parang kahit anong pahapyaw ko sa kanya na masama at may dinaramdam ako iPad niya parin hawak niya. Mas matagal niyang hawak yungga devices sa bahay, mas naaalagaan niya character niya sa mga laro niya pero ako, never niya ako kinuhaan ng temp nung may sakit ako, never niya inisip mga pwede kong kainin kapag may nararamdaman ako. Siguro hindi nga niya talaga ako mahal, siguro naghahanap lang siya ng katuwang sa araw-araw, kasama sa kama, mayayakap sa mga gabing malalamig at labi na mahahalikan lang. Minsan naiisip ko, hanggang saan ba pasensya ko at hanggang saan ba pasensya niya? Malululungkot kaya siya kapag iniwan ko siya? Makakaramdam kaya siya ng kirot kapag sinabi ko na ayaw ko na? Hanggang saan kaya?
















