Nabitin ang aking Bos sa outing namin sa Subic last March. Kaya nag-aya siya ulit ng outing. Walang-wala e, overnight lang sa Bohol. Haha Syempre para maiba naman, hindi ako sumama. :))
MAYSEL: Kitten kasi ayaw pang sumama! Libre naman yun!
DAN: Tae kasi 'tong si Kets! Hindi pa sumama, wala tuloy ako kakulitan dun!
MEL: Keps, ano? Sama ka na kasi.. Pwede pang humabol!
SHE: Panget, hindi ka pala talaga sasama?? Sumama ka na!!
Nakakatuwa lang na maraming affected sa hindi ko pag-sama. Feeling ko tuloy kawalan ako kahit hindi. Dahil alam naman natin ang totoong dahilan, wala silang PHOTOGRAPHER! hahah!! Kahit camera or hindi ang habol nila sakin, nakakatuwa malaman na kahit papano, gusto nila ko kasama. :)
*Ayaw ko naman talaga sumama kasi! Tinatamad ako. Napapagod na yata ako bumyahe, gusto ko dito-dito na lang sa malapit. Yung tipong hindi na sasakay ng eroplano. Pero balak ko namang pumuntang Siargao, Boracay at Batanes! Hahaha! Pahinga-pahinga din muna.*Â