Sub 1 Challenge Journey
Hindi pala dapat pabigla-bigla sa desisyon. Maliit man o malaking bagay, dapat lahat pinag-iisipang mabuti. You'll never know the consequences you might face in the end.
At nangyari na nga.
Sobrang daming epekto sa aming dalawa ni Janette nitong pagsali namin sa Sub1 pati narin kina Nanay, kay Mama't Papa. Negative and positive ang dami nitong naituro sa amin.
Sa akin.
Alam kong nahihirapan na sila.
Alam kong nahihirapan na si Janette.
Hindi na kami nakakatulog o nakakapagpahinga nang maayos dahil naghahabol na sa araw ng training para makuha namin ang medalya.
Akala ko kasi nung una, ganun lang kadali yun. Akala ko madali naming magagawang tumakbo ng 10 kilometres in less than 1 hour.
Kaya kahit gahol na sa oras ay pinilit ko paring magparegister kami ni Janette.
Inisip ko rin kasi na panibagong experience din yun sa aming dalawa.
Pero ngayong halos apat na araw na lang, sub1 na, pinanghihinaan na ko ng loob dahil alam kong napakabagal pa namin tumakbo.
Para bang imposible na ang lahat.
Pero wala na kaming choice kung hindi panindigan ito.
Ngayon ko lang nakita kung gaano ka-supportive sa amin ang buong pamilya na kahit isakripisyo na nila ang tulog, masamahan lang kami sa training.
Sana makaya namin. Sana maging worth it lahat ng puyat, pagod, sakit ng katawan, at anxieties. Sana maging proud parin sila sa amin kahit anong mangyari.
Impulsive akong tao. Pabigla-bigla. Nagpapadala sa emosyon. Leksyon sa akin ito. Salamat at dinaanan ko ito. Mahirap pero ang daming learnings na magagamit ko sa madami pang sitwasyon sa buhay. Sa kabila ng imperfections ko, nakita ko kung paano ko suportahan ng kapatid ko, ng buong pamilya. Kaya inaalay ko itong takbong ito sa kanila.


















