I appreciate the appreciation.
   Medyo nakakatuwa pa din ang araw na ito.
  Ang sarap pala sa pakiramdam na bigyan ka ng chocolate mula sa presidente ng kumpanya, mula pa yata yung chocolate na yun sa Trick or Treat na ginawa nila sa mansion nila nung nagkaroon ng halloween party ang Family nila.   Nandun yung biglang pag-hanga ko sa kabutihan pala ng loob ng may-ari ng company. Oo, nakakatakot naman talagang magalit ang President pag may mali talagang nagawa, pero noon pa man, ramdam ko nang mabuting tao sila.   Pero ang talagang nakapag-pagaan ng loob ko? Yun eh ang  maramdaman yung sarap sa kalooban na hindi na ako basta-basta Regular na empleyado lang, dahil Oo nga pala, dalawang buwan na rin akong promoted bilang isang Staff ng company, bilang isang Team Leader.   Wala lang, Masarap lang sa pakiramdam dahil mga staff lang talaga ang nakakatikim ng Treats mula sa President dahil hindi naman kasi talaga masyadong malaki ang company para i-treat ang lahat ng empleyado nito, biro mo nasa pitong daan din kaming lahat. Maski naman ako, hindi nahahapyawan ng Treat noong simpleng empleyado pa lang ako. Pero paniguradong bawing bawi naman kapag sumapit na ang pasko. Dahil Galante naman sila sa mga benefits.    Yan muna for this day. JGH & Goodnight. ^_^
© 11/05/2015


















