: we make a good pair
: pero!?
: kaya lang... hindi niya ako mahal
: time check! umaasa ka pa rin.
Kakatapos ko lang manood ng I'm Drunk, I love you. At ang sakit sakit niya ha. Bukod sa nakakatakam tuwing sagaran ang pag-inom at pagwawalwal nila, ang hirap lang ng pitong taon na pag-ibig na hindi masabi. Hindi ito love story. Tangina obvious naman dahil friendzoned si Carson!
Last five minutes pa. Pinaka paborito ko 'yung part na nag-sorry si Dio kay Carson. Tapos ang sagot ni Carson, "Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang ginawang masama. Hindi mo naman kasalanan na hindi mo 'ko mahal”. Gago ang sakit hahahahahahaha. Tapos 'yung pag-uwi ni Carson galing La Union, umiyak nalang siya bigla. Ramdam na ramdam ko 'yung bigat at pagkadurog niya don. At 'yung playlist ng movie, men. Very commendable. Wala na akong masabi basta ang sakit.
Naniniwala ako doon sa sinabi ni Carson sa huling conversation nila ni Dio. Na after 7 years, moved on na moved on na siya sa lahat. At magiging masaya rin si Carson dahil may nagpapasa na sa kanya. Tapos si Dio, gumagawa na ng pelikula. Naks!
TIME CHECK! I'm Drunk, I love you. 9/10.









