Noong nakaraang school year eto mga laman ng bag ko
Filler. Actually nung first sem buong binder talaga dinadala ko. Kahit di ko subject nung araw na 'yun dala dala ko 'yung filler ko. Pero nung second sem, tinamad na ako. Ayun hiwahiwalay na.
Ballpen. Syempre. Pero 'yung iba alam kong asa sa kaklase sa supply ng ballpen. Haha. Ayoko kasi ng wala akong ballpen. Ewan ko pero kinakabahan ako pag wala akong sariling ballpen. Haha.
Libro. Kung required sa subject at syempre kung may incentive XD
And the rest, kikay kit. Haha! Okay, maarte ako. Pero srsly, hindi ko ginagamit kikay kit ko pag nasa school ako. Ewan ko kung bakit. Dinala dala ko pa. Siguro dahil nahihiya ako gamitin. At hindi ko din alam kung bakit ako mahihiyang gamitin. Haha. Kung ano 'yung ayos ko sa bahay sa mukha ko, hanggang uwian na 'yun. Ang ginagamit ko lang pag dating ko sa school eh lip balm at kung trip kong mag lipstick eh lipstick. At minsan lang nga pala akong nag-pupulbo. Pag trip ko lang. Ayoko talaga 'yung feeling sa kamay after mag-pulbo. Nagpupunas lang ako ng tissue sa mukha para di oily. Tapos wala ng pulbo pulbo. At nag-aayos lang ako pag nakita ko ng mag-ayos ang kaibigan ko. Especially si Hazel panimula eh. Haha.