HEY SOUL SISTERS!
Ngayong araw na ito, ika-10 ng Agosto ay sinurpresa namin ang aming ate nang bisitahin namin siya sa kanyang condo. Mga isang taon na rin kasi ng siya at ang kanyang pamilya ay nanirahan sa Germany. Wala lang naman. Namiss ko lang siya, kahit yung kasama kong kapatid. Kasi naman hindi rin kami pareho ng tinitirhan.Â
Pagkadating namin ay nagkamustahan, at nagpahinga muna ang pinakanakakatanda naming kapatid habang kamming dalawa ni Terry (ang nakababata kong kapatid) ay nag-almusal sa Mcdo. Bago kami bumalik ay bumili siya ng regalo sa kanyang spesyal na kaibigan, at ito  ay isang wallet na personalized. Nagtingin-tingin din kami ng mga bag, at kung ano pang nais naming bilhin. Noong bumalik na kami ay nagpahinga muna kami, at pagkatapos ay nanood ng Bourne Legacy. Natatawa lang ako, kasi hindi ko alam kung Pinoy or Hollywood movie ba yung pinapanood namin. At natapos na nga. Matapos ay nagkwentuhan kami. Tungkol sa mga buhay pag-ibig, sa mga naging lakbayin, at kung anu-ano pa. Ayun, umuwi na kami ni Terry. At ibinili niya ako ng ng isa ring wallet, na sobra ko namang ikinatuwa. Napakasaya talaga na makita yung mga taong mahalaga sayo.
Konting kaalaman nga pala, sila ay parte ng aking foster family. Pero kahit ganoon, mahal na mahal ko sila.
Yes to Filipino?













