Hyperactive ako ngayong araw na ito. Pero parang ngayong hapon lang. Hehe. Ewan ko, parang ang saya lang. Tawanan lang, nagsimula nung English.
Magkakatabi kaming Arvicks. Tapos yun, simula pa lang, tawa na ng tawa si Divina tapos nangingiliti si Stefan, hanggang sa manood na kami ng trailersss...
Tawa ulit. Tapos hanggang nasa PE na! Tawa ulit. Kasi nag-softball kami. Ka-group ko sila Divina, Ced, Mira, at Llana. Tina-try na namin kung pa'no kami magba-bat, etc. Hehe. Tapos nung ako na, hindi ako nag-bat ni minsan. Kasi mas ginugusto kong mag-balls na lang, para hindi pa ako mapahiya sa strike ko. :) Kaya 3 balls, 0 strikes. Haha.
Nung nandun na ako sa first base, ewan ko kung sino yung nag-bat ng napaka-lakas. Si Jolo ata. Tapos Homerun! Yeah, yeah. Kasi pagka-bat pa lang niya, edi takbo! Tapos, sige pa daw. So naka-labas na ako! Yhey. Ewan ko kung anong tawag dun. Basta, wala akong ginawa. Hindi ako nag-strike, tapos tumakbo lang ako ng tuloy tuloy, hanggang sa home plate (ewan). At least di na ako nagtagal dun sa diamond. Hehe.
Pagkatapos ng PE, balik na daw sa room, kasi nga maglilinis daw.
Pero andun pa rin kami sa field, kasi may sinusulat pa si Mira. Habang hinihintay namin siya, pina-praktis namin kung pa'no mag-spike, mag-block. Kasi nga may net!! Hehe.Â
Try kami ng try magblock, pero hindi pa rin namin malagpasan yung net. Mahirap pala yun talaga? Hehe. Hanggang sa tinry na namin ang iba't-ibang blocks. Meron nga kaming OBLATION-BLOCK. Hehe. Basta talon ka, tapos gawin mo ang oblation.  Hehe. Wala kang maba-block. Basta, tawanan na naman.
Tapos yun, natapos na kami sa meeting-meeting, akala ko uuwi na kami. Inutusan pa pala sila Ced at Stefan na magpa-xerox, kaya kami nagtagal-tagal dun.
At yun na ang aking araw. Basta, Tawa ng tawa, talon ng talon. :) Saya!