MASIGASIG NA MAYNILA Lagusnilad Mural by Gerilya National Commission for Culture and the Arts X City of Manila X Gerilya Lagusnilad Underpass, City of Manila 2020 Narito ang ilang mga larawan mula sa pagpapasinaya ng Masigasig na Maynila Mural Project na pinangunahan ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, katuwang ang Pamahalaang Panlungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno Domagoso, kasama din si National Parks Development Committee Executive Director Cecille L. Romero, at si G. Egai Talusan Fernandez bilang kinatawan ng NCCA. Ang proyektong ito ay bahagi ng Arts in Public Spaces program ng NCCA na naglalayong itanghal ang kultura at kasaysayan ng bansa sa pamamagitan ng mga sining sa mga pampublikong espasyo. Sama-sama nating pangalagaan ang sining at kultural ng Kamaynilaan.














