Tao lang din naman ako, nakakaramdam. Nasasaktan, sumasaya, nagmamahal.
Hindi man halata sa akin na may problema ako, pero sa 'twing makikita mo akong tumatawa at ngumingiti, yun, yun ang mga panahong mas kelangan ko ng kasama. Madalas, nasasabi ko na lang na "okay lang ako." kasi kulang ako sa lakas ng loob na sabihin kung anu na nga ba nararamdaman ko.ย
Halika, samahan mo ako. Iparamdam mo sa aking dalawa tayong haharap sa bawat pagsubok sa buhay mo at sa buhay ko.












