DALAWAMPU'T ISA. Dalawampu't isa. Ito ay isang numero lamang na karaniwang ginagamit sa pagbibilang ng iba. Ang hindi ninyo alam, sa aking mga mata, ito'y may labis na importansya. Pero ang tanong, bakit nga ba? Para sa kaalaman ng lahat, ang dalawampu't isa ay nagbigay ng magandang aral na aking natutunan. Ito ang naging daan upang ako ay magtiwala sa sarili at umunlad sa aking kakayanan. Dalawampu't isang araw ng pakikilahok sa paggawa ng sining. Upang tagumpay ay makamit, kahit anong hamon ay susuungin. Iba't ibang uri ng hamon ang ibinibigay upang mahubog aming kabihasnan sa pagiisip. Dalawampu't isang araw ng aking buhay ang aking inilaan. Inilaan ko ito para sa sariling kabihasnan. Oo, maraming isinakripisyo pero alam kong ito'y sulit hanggang dulo. Sa pamamagitan nito, aking nailahad ang talentong matagal na naitago. Dalawampu't isang araw na hindi kinailangan ang tulong ng iba. Tanging si ABBEY SY lang, sapat na. Nagawa kong hangaan ang aking sarili. Nakakataba ng puso ang bawat papuri. Dalawampu't isang araw na kasama ang aking mga kaibigan. Mga kaibigan na nagmistulang inspirasyon din sa aking ginagawa. Isang malaking pasasalamat ang nais ipaabot sakanila, lalo na sa walang sawang suporta. Ang saya sa pakiramdam na lahat kami ay umaangat, angking talento ng bawat isa na talaga namang maipagmamalaki sa lahat. Dalawampu't isang araw na kasama si ABBEY SY. Si Abbey na nagbigay ngiti sa aking labi. Isang propesyonal na napakagaling sa larangan ng sining. Isang babae na nagsimula bilang maliit na bituin, ngayon sa rurok ng tagumpay nagniningning. Sakanya ako'y lubos na humahanga, hindi nakakalimutang tumapak sa lupa kahit siya'y lumilipad na. Ngayon, alam mo na kung ano ang dalawampu't isa— mga araw, hamon, at karanasan na sa akin ay mahalaga. Aking pasasalamat ay sobra sobra pa sa dalawampu't isa. Laging isasapuso ang "ALWAYS BE CREATING" na kanyang payo, hindi lamang sa aking mga likha kundi maging sa realidad ng buhay ko. Maraming maraming salamat Abbey Sy, hanggang sa muli! 😁🏆 — Eliza @abbeysy #ABCsBookChallenge #ABCsofHandLettering #ABCGiveaways