Minsan May Isang Puta
Nagtirik ako ng kandila sa may    parokya bago umuwi; Patay na ang iba ngunit nagawa    kong sindihan muli. Hindi lahat,    ngunit tatlo; Nang ako’y nakauwi,    tsaka ko napagtanto: Maaring simbolo ito ng    pagmamahal ko sa’yo. Mahal kita ngunit ako’y iyong    binalewala na; Ang sabi pa’y tulad din ako    noong una. Inosente, ngunit binigyan mo    ng malisya; Minsan may isang puta.    Pero mahal ko,      nagkakamali ka.










