Konti na lang. Nararamdaman ko na. Unti-unti nakong niyayakap muli ng kasiyahan. Akala ko na malulunod nako sa ilog ng kasawian. Pero hindi pala, may araw parin na sisikat para sakin. Ginigising pa ko ni Lord, dahil meron pa kong misyon sa mundong ito. Hindi pa dito natatapos ang kailangan kong gawin sa buhay ko. Hindi dahil nakaramdam ako ng pagkabigo ay susuko nako. Nagsisimula pa lang ako. Hindi pa ito ang pinaka malalang delubyo na darating sa buhay ko.
Marahil, hinahanda lang ako sa mas malaki pang problema at dahil mas malakas nako at mas kaya ko na, alam ko na sa sarili ko na hindi ako dapat sumuko ng ganun ganun na lang.
Mahirap, masakit, nakakawalang gana, nakaka umay. Pero maiisip mo na lang din na masarap mabuhay. Maikli lang ito. Sulitin na natin.
Paano mo nga naman mararadaman ang tunay na kaligayahan kung hindi mo mararanasan ang matinding kalungkutan.
Nagpapasalamat ako sa’yo Lord, kasi, sa kabila ng lahat, hindi mo ko iniwan. hindi mo ako pinabayaan. Naglagay ka ng mga tao sa buhay ko na nagsilbing gabay sa pagtahak ko sa malupit na mundong ito.
Sila yung mga kaibigan kong nanatiling tapat, mga taong nanatiling nanjan at nagpalakas ng loob ko.
Simula ngayon, mas mamahalin ko pa ang sarili ko. Mas bibigyan ko pa ng pansin ang pamilya ko at mas pahahalagahan ko pa ang mga kaibigan ko na tunay na nagmamahal sakin ng walang pag aalinlangan.
Hayyy. buhay nga naman ng tao. Hindi mo talaga alam kung anong mangyyari sayo.
Sa kabila na lahat, masasabi ko na lang..
Swerte ko pa din kasi buhay pa ko.
Ang dami kong problema pero ang ganda ko pa din.
^_^








