PATILA Mga patak ng ulan Unti unti sa aki'y bumabasa Katulad mong nais kong malimutan. Kahit na anong aking gawin Patuloy ka paring nasisilayan Hanggang sa aking alaala. Ulan, maari bang ika'y tumila? Ako'y nilalamig na’t giniginaw. Ulan, maari bang huminto ka kahit saglit? Gaya ng aking piniling desisyon; Sa ulan ako'y papatila, Sa pagibig ako'y nagpahinga.
Loading...














