Deception #165 ā Ang mga lokal daw na bagsak sa handugan ang isang katunayan daw na may mga kaanib na hindi bulag na tagasunod. Ito raw ang mga ānapakaunting nalabiā na binabanggit sa Isaias 1:8-9.
Kung ang pag-urong ng handog ng isang kapatid ay dahil sa tisod o kakulangan ng pananampalataya o dahil naupatan ng mga naninira sa Pamamahala ng Iglesia, ang gayon ay nabulag ng diablo.
Sapagkat aral ng Diyos na itinuro mula pa sa panahon ng mga apostol, na itinuro din ng Sugo sa mga huling araw na āsumagana sa pagpapasalamatā batay sa Colosa 2:7 na ganito:
7Na nangauugat at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat.
Ā Deception #164 ā Sinasabi ng mga tiwalag na sila raw ang tinutukoy sa Isaias 1:8-9 na ānapakaunting nalabiā sa anak na babae ng Sion. Kung magtatanong daw sa matatandang ministro ukol sa Isaias 1:8-9 ay hindi rawĀ masasagot sapagkat wala DAW silang tinanggap na pagtuturo sa mga talatang ito.
Sa layunin ng mga tiwalag na makaakit ng mga kaanib sa INC na sumama sa kanila ay sumisitas sila ng mga talata ng Biblia. Kunwa pa ay sinisitas ang mga leksiyong itinuro ng Sugo at ni Ka Erdy sa kanilang pag-aangkin na sila daw ang ānapakaunting nalabiā sa anak na babae ng Sion na hinuhulaan sa Isaias 1:8-9.
Tama ba ang pagkaunawa nila? Maling doktrina ang ipinagkakalat ng mga tiwalag. Alam ng mga tunay na ministro ang tinutukoy sa Isaias 1:8-9 sapagkat naituro na sa panahon ng Sugo at ni Ka Erdy ang katuparan ng hinuhulaan sa sa talataĀ at itoāy nalathala na rin saĀ Pasugo sa panahon ng kanilang pamamahala. Batay sa Pasugo, 1964 issue:
⦠Ang hula na nasa Isa. 1:8-9 ay binanggit din ni Apostol Pablo sa Roma 9:29 na ganito ang nakasulat:
āAt gaya ng sinabi nang una ni Isaias, Kung hindi nag-iwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo, Tayoāy naging katulad sana ng Sodoma, at naging gaya ng Gomorra.ā
Ang hulang ito ay natupad na noong unang siglo. Batay din sa paliwanag ni Apostol Pablo, ang ānapakakunting nalabiā (Isa. 1:9) na ito rin ang ānaiwang isang binhiā (Roma 9:29) ay si Cristo (Gal. 3:16) at ang mga kay Cristo (Gal. 3:29). Sila man noon ay lahing Hudio o Gentil, kapag sila ay kay Cristo, kinikilala silang binhi ni Abraham hindi sa laman kundi sa pangako (Roma 9:8-9).
Sila ang mga natipon kay Cristo o naging kaanib sa Iglesia Ni Cristo (Efe. 1:9-10; Col. 1:18; Roma 16:16). Kahit marami sa bilang si Cristo at ang mga umanib sa Iglesia Niya ngunit silaāy ibinilang na isang binhi sapagkat mula sa dalawa (Cristo bilang ulo, at Iglesia bilang katawan) ay naging isang taong bago (Col. 1:18; Efe. 2:15). Sila ang ipinalit ng Diyos sa Bayang Israel na sumamĆ¢ at tumalikod sa Kaniya.
Wala ring itinuro ang Sugo at ang Pamamahala na lahat ng banggit na āanak na babae ng Sionā ay tumutukoy sa INC sa mga huling araw. Inihahayag lamang ng kapangahasang ito ng mga tiwalag ang pagtalikod nila sa mga aral ng Diyos na itinuro ng Sugo at ni Ka Erdy.
Basahin ang kabuuang sagot ni kapatid na Bobby Fernandez, isang ministro ng ebanghelyo, sa link na ito.
Deception #163 ā Itinatanong ng mga tiwalag kung tutulungan daw ni Senator Richard Gordon ang mga āhelpless ⦠in suffering and in distressā na tulad ng mga tiwalag na nasa loob ng #36 TS Compound.
Kilala na si Sen. Dick Gordon sa pagtulong sa mga kababayan ā kaanib man o hindi sa INC. Subok na rin siya ā natulungan man siya o hindi ng INC ā sa mga eleksiyon ay talagang ginagawa ang kaniyang tungkulin bilang public servant.
Subalit sa mga nagpapasaklolo na nasa loob ng #36: Only they can help themselves. Sila lamang po ang makatatapos ng problema nila.
Wala ring kinalaman ang bilang ng INC members na kawani ngĀ Red Cross kung bakit hindi maaaring tulungan ang mga tiwalag na nasa loob ng #36. May principyo at advocacy ang Senador at ang mga opsiyales ng Red Cross para i-determine kung saklaw ng kanilang tulong ang sinumang sumusulat o lumalapit sa kanila.
BTW, nasaan na ba iyong sinasabing mga āworld leaders at international agenciesā na sinasabing tutulong sa mga inaapi DAW sa loob ng #36?
Deception #162 ā Every time daw na may klase na pangangasiwaan ni Ka EVM na dadaluhan ng mga ministro ay pinadadaan pa daw sa VCO⦠pinagbabawalang magpasok ng lahat ng uri ng gadgets at kinakapkapan.
Dati na itong ginagawa. Bahagi ng seguridad at kaayusan.
Deception #161 ā The two expelled Manalos claim that inhumane conditions are being imposed on them⦠and that their freedom of movement and right to meet their lawyer have been impeded by the Security personnel.
It is only aĀ claim. They expelled know very well that they always have the liberty to meet their lawyer and supporters outside the compound. They are also free to move out and move on.
To Read about Deceptions #141-160, clickĀ here.
Responses to the Series of Deceptions against the Iglesia Ni CristoĀ #161-180 Deception #165 - Ang mga lokal daw na bagsak sa handugan ang isang katunayan daw na may mga kaanib na hindi bulag na tagasunod.