Sigaw, Kanta,
Isang paglalakbay, buhay natin,
Nagkasabay, nabigyang diin,
Pinaglapit, lumabis,
Muntik nang di makatiis,
Aamin na't udyok ng nadarama,
Onti nalang at napagbigyan na,
Anumang mangyari, susugal,
Susugal sa pagkakataong lumarga,
Umandar,
Tumakbo,
Gatong ay silakbo,
Apoy, Usok, Alipato, abo,
Magkasiping ang mga puso,
Tinitibok ang pagsuyo,
Tinali, Kumapit,
Ngunit di naparoon,
Laking gulat sa distansiya,
Dahila'y talagang mahiwaga,
Litong-lito na, di maka-hakbang,
Talaga bang may Magpakailanman?
Kung meron, bakit ako naiwan,
Noong natapos na ang lahat,
Nakatapak parin sa lupang tapat,
Dati'y sabay-magkahawak ang kamay
Ngayo'y nauuna ka, Nasaan na?
Nalikod,
Nag-iisip,
Paano na ako?
Nakayapak ba na aabante? O uuwi't magt-tsinelas?
Tanging natitira, tiwala nalang sa kanya,
Eto na ang sigaw,
Ang kanta.

















