Kakatapos lang ng birthday nya, kaninang umaga okay kami ulet. Kakaayos lang namin mula don sa nakaraang away namin. Ngayon di ko lang agad nabati, di lang ako nauna bumati sa kaarawan nya, pinarusahan na naman nya ako ng maghapong malamig na pagtrato nya sakin. Hindi ko na nararamdaman yung init ng pagmamahal nya. Ganon ba kalala yung kasalanan ko? Ganon ba, para parusahan ako ng ganito araw-araw? Ganito ba nya ako kamahal na kaya nyang maging malamig sakin habang pilit ko syang sinusuyo at nilalambing? Hindi naman ako manhid e. At oo sana nga naging manhid na lang ako. Para hindi ako nakakaramdam ng ganito. Para hindi ako nagrereklamo. Ginusto ko to kase minahal ko sya pero tama ba? Tama ba na halos araw-araw na lang? Tama ba na maging ganito na lang kami lagi? Ginawa ko ang lahat para maging deserve sya pero kung hindi pa din enough, hindi ko na alam gagawin ko.













