MAHAL PA BA NATIN ANG SARILING ATIN?
Rome Jersey Dyan F. Tan
Nang mapanood ko ang bidyo, ako’y nagulat at nalungkot dahil talagang sumasang-ayon ang iilang miyembro ng ched na tanggalin ang wikang Filipino at panitikan sa kolehiyo. Pinapakita nito kung gaano talaga pinapahalagahan ng mga Pilipino ang sariling wika natin. Nakakalungkot nga din isipin na karamihan sa kabataan ngayon ay mas tinatangkilik ang gawa ng ibang bansa kaysa sa gawa ng iba’t-ibang Pilipino. Isang halimbawa na dito ay ang musika, mas tinatangkilik at pinapakinggan ng mga Pilipino ang hip-hop o rap na galing sa Amerika dahil naniniwala sila na ang hip-hop o rap na gawa ng mga Pilipino ay “jologs” at “baduy”. Hindi ako sumasang-ayon na tanggalin ang mga kurso ng Filipino at panitikan sa kolehiyo dahil una sa lahat, ang sariling wika at panitikan natin ay hindi dapat binabalewala at kinakalimutan. Ang pagkakaroon ng sariling wika at panitikan ay sumisimbolo bilang isang malaya at makatas na bansa. Katulad nga nang nabanggit sa bidyo, karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi gaano marunong magsalita ng tagalog dahil mas pinipili nila tangkilikin ang salitang Ingles, bakit natin kailangan tanggalin ang wikang Filipino at panitikan sa kolehiyo sa mga mag-aaral na gusto pang pag-aralan ng maiigi ang asignatura na ito? Isang halimbawa dito ay ang aking pinsan, siya ay 4 na taong gulang na ngunit hanggang ngayon ay hindi siya marunong magsalita at magbasa ng tagalog. Ang Malala pa dito ay hindi rin siya marunong magbasa sa Ingles, natuto lng siya mag salita ng Ingles dahil sa mga palabas na napapanuod niya sa telebisyon at sa mga laro na mayroon siya sa kanyang Ipad.
Bilang isang mag-aaral na Pilipino, dapat hindi natin kakalimutan kung sino talaga tayo. Huwag natin ibabalewala ang sariling wika at panitikan natin dahil ito’y sumisimbolo bilang sariling pagkakakilanlan natin. Sana ang mga kabataan, kasama na rin ang aking pinsan, ay magawang mahalin at tangkilikin ang wikang Filipino dahil ito tayo eh. Ito ay sariling atin at tayo dapat ang mga unang tao na mag mahal at sumuporta dito.













