Gusto kong mag-retire kasama mo. Magkasama ulit tayong mamamalengke, magkahawak-kamay at sabay tayong tatawa sa mga nakakatawang bahagi ng kabataan natin. Makakasama na ulit kita, ang best nurse na nakilala ko, yung masasabihan ko ng walang preno... "Babe, taeng-tae na ako, pasabay na. Naliligo ka lang naman." At kapag nangyari yun, ang sarap balikan yung mga pahina na inilalaban natin yung libu-libong milya na magkalayo 'di ba. Itaga mo sa bato. Tuloy nating haharapin yung mga hamon ng mundo, sabay nating tutuparin yung mga pangarap natin, sabay tayong magkakaroon ng puting buhok at sa bawat minuto na magkasama tayo ay hindi ko kailanman makakalimutan. Magiging masaya tayo at magmamahalan tayo. 'wag mong kakalimutan yung pinangako mo sa'kin na kapag dumating yung panahon na, mas nauna akong manghina, wag mo ako pandidirian, magkatabi pa rin tayong matulog, sa kutson man o sa banig, papaliguan mo ako, ikaw ang mag aakay sa wheelchair at ikaw ang magpapalit ng diaper ko. Mahal kita, excited na ako. @misislucas ❤ (at Phatong Beach, Phuket Thailand) https://www.instagram.com/p/CRRdXT-DPaY/?utm_medium=tumblr














