QUICK ESCAPADE TO ILOILO (022323 - 022623)
β£ Esplanade
β£ Molo Plaza
β£ Molo Mansion
β£ Garin Farm
β£ San Rafael
β£ Riverside Beach Resort
β£ Festive Walk
Grabe! Panibagong experience nanaman yung nadagdag sakin. Sobrang happy ko na after ng napakadami kong overthinking, finally natupad na yung pinagdadasal ko ng almost 1 month! Nabisita ko na ang City of Love. π Biglaan lang tong desisyon na 'to. Sabi nga, wala sa hinagap ko. Isang ara, nagising nalang ako na gusto ko pumunta. Sabi ko kasi, sayang naman yung chance eh. Habang andun pa yung sasama sakin as Driver/Tour Guide/Translator/Photographer/Cook at kung ano pa π€π why not, diba? Kay ayun! Go na! Di ko naman 1st time sumakay ng plane kasi nakasakay naman na ako nung 2010 π tagal na din pala. May travel agency kasi nun kaya sila ang nag asikaso, basta alam nalang namin sumakay kami ng airplane. So, parang 1st time ko na din talaga sasakay tapos solo pa. Tamang tanong lang tapos lakas ng loob. Ayun, sobrang enjoy. Paano ba naman kitang kita mo yung napakalawak sa City lights π Pagdating sa Iloilo, konting pahinga lang tapos larga na sa Esplanade at Molo Plaze and Mansion. Kinabukasan naman Garin Farm. Tapos sa last day yung San Rafael, Riverside Beach Resort at Festive Walk. Nung pauwi, ayun sea of clouds naman yung binigay ni God sakin.
Grabe 'tong adventure na'to! Halos araw araw pinagdadasal ko kay God na sana ibigay nya sakin 'tong pahinga na'to. Sobra din kasi talaga yung stress ko sa pamilya at sa work nung mga nakaraang araw e. Kaya sabi ko, sana mapagbigyan ako. Pero grabe si God, yung binigay nya sobra sobra! Safe flight, less stress na mga araw at sobrang gandang weather. Tapos may mga bonus pa! π Dun ko talaga napatunayan na pag gusto ni God ibigay sayo, ibibigay nya. After ng travel na'to, ayun kahit paano gumaan pakiramdam ko at nabawasan ang stress. So yeah, isa na'to sa mga unforgettable adventures ko. β€












