Thoughts 6.23
I’ve been feeling a little weird these past few days. And to help cope up, I kept myself busy with reading and watching aside from my usual 13 hours work schedule. One time I found a drama that circles to young, high school love and in a snap, it took me back to my 14 year old self. Bigla kong namiss yung feeling noon. Yung unrequited love. Yung young and pure love, walang hinihinging kapalit.
Ang gusto ko lang at that time is makita sya araw araw sa flag ceremony.
Sasadyain dumain sa classroom nila kapag mag bbathroom break.
Tatambay sa harap ng section nila during recess, nagbabakasakaling makita lang kahit ilang segundo.
Lahat na yata ng kalokohan ginawa ko na noon para lang makita sya araw araw. Kahit hindi na nya ako mapansin, basta ako, makita ko lang sya, may energy na ako maghapon.
I’m in my late 20s now and looking back, I regret being satisfied with only seeing him everyday. Sana pala gumawa ako ng way? Sana pala nagpapansin ako. Sana pala sinagad ko na kalokohan ko. Funny. Before writing this, naligaw ako sa Facebook profile nya. Funny kasi after 15 years, ganon pa rin yung mukha nya. The same old face that I fell in love with for 4 years. He was my first love. Pero hindi nya alam yun, kasi hindi rin naman nya ako kilala.


















