Pangapat
Kanina habang ako ay naglalakbay at nakatitig sa aking patutunguhan, biglang dumalaw ka sa aking isipan. Kaya pinagdasal kita sa Panginoon na tulungan ka at ibangon ka. Habang ikinikwento kita sa Kanya, may sinabi siya sa akin pabalik. “Anak, habang naghahanda kansa iyong magandang kasal, ihahanda kita sa buhay pagkatapos ng kasal”. Ngayon malinaw na ang lahat kung bakit natin to dinaanan. Bukod sa pinakilala Niyang muli kung sino nga ba talaga siya, sinagot din niya ang tanong na bakit?
Patuloy akong magdarasal at kakausapin Siya hanggang sa makita mo rin ang nakikita ko. Mas maniniwala ako sa sasabihin Niya, kaysa sa lahat ng naririnig at nakikita ko. Kaya Mahal, tahan na. Magiging maayos din ang lahat. Bagamat di pa man malinaw ang lahat sa mga mata mo, hayaan mo lang at ipapakita niya sa iyo ang bukas na nilaan niya para sayo.
















