10 Uncommon Filipino words (their definitions and examples)
1. Miktinig - Ito ay isang akostikong kagamitan na nakakatulong i-konvert ang boses upang mas lumakas at marinig nang nakakarami
Halimbawa: Gumamit ako ng miktinig para marinig nila nang maayos ang aking sasabihing panuto sa laro.
2. Baro - Ito ay tumutukoy sa mga kasuotan na ating ginagamit sa pang araw-araw
Halimbawa: Maganda ang suot na baro ni Dean.
3. Kinaadman - Ito ay nangangahulugang “kaalaman” na tumutukoy sa lawak ng ating pag-iisip
Halimbawa: Dahil sa pagtuturo ng aming guro sa Filipino, may nakuha kaming kinaadman.
4. Sapantaha - Ito ay salitang tumutukoy sa ating pakiramdam o mga kutob, hinala at agam-agam.
Halimbawa: May sapantaha kaming magkakaibigan na may mangyayaring masama dito.
5. Batlag - Ito ay kagamitan sa paglalakbay o tinatawag ding pang transportasyon
Halimbawa: Gumamit si Seth ng batlag papuntang Chicago.
6. Salipawpaw - Ito ang salitang ginagamit para sa eroplano o aircraft.
Halimbawa: Nakakita ako ng salipawpaw kanina.
7. Sulatroniko - Tumutukoy sa electronic mail o email.
Halimbawa: Ako ay nakatanggap ng sulatroniko galing sa paaralan na aking inaapply.
8. Hatinig - Ito ay ang isa pang uri ng salitang telepono o telephone.
Halimbawa: Tumawag ang aking nanay galing Canada gamit ang kaniyang hatinig.
9. Sipnayan - Ito ay nagkakahukugang Mathematica o Mathematics.
Halimbawa: Nahihirapan si Samantha sa sipnayan dahil sa sobrang dami ng problem solvings.
10. Duyog - Ito ang tawag sa pangyayari na kung saan ay nagkasalubong ang araw at buwan at natakpan ng buwan ang araw.
Halimbawa: Maaaring magkaroon ng duyog sa susunod na linggo.
Members:
Ma. Kirsten Rane Serna
Aletha Kaneisha Pangan
Patricia Nicole Ann Valida
Tenzale Billano
Mark Jhiro Tan















