Walang Tayo
Nagbilang naman ako,
Isa! Dalawa! Mga tatlo!
Di ng araw o linggo
Di rin ng buwan kundi taon.
Taon lang naman binilang, hinintay ko.
Papayagan mo na kaya ako?
Hindi para maging tayo,
Para lang MANLIGAW palang sa’yo.
Tanda mo? hahaha.
'Sensya naman! Natawa talaga ako.
Ligaw palang hiningi ko,
Natanggihan mo agad ako.
Isa pa, dalawa pa! Ilan taon na nga ba?
Imba! Kahit ako, lito na.
Hanggang sa isinuko na kita.
Biruin mo. Kaibigan mo;
Syempre, trinopa ko!
Boto nga ang iba sa kanila.
Kaso, ano maggagawa ko?
Yung "OO" mo, hangad ko!
Mali nga siguro ako,
Naghintay pa ako.
Nagbilang pa ako,
Kung saan ang numero walang dulo.
Nuon, segundo minu-minuto
Nangangarap at naghahangad
Na maranasang maging tayo.
Ngayon, makita lang kitang masaya
Kahit pa sa isang sanggano
O mukang tsonggo.
Kontento ako, panigurado.
Wag ka mag alala, walang mali sa nagawa mo.
Di ako galit o tampo, senti tawag dito.
Alam ko, mahahanap ko din siya,
Ang isang tulad mo sa buhay ko,
I mean, isang simpleng babae na hihigit sa’yo
Yung handang tapatan ang pagmamahal na mabibigay ko.
~Nel Gomez














