“Tanga kaming mga babae. Laging biktima ng mabubulaklak na pangako ng mga lalaking sa una lang mabait.”
“Ang alam ko lang, nasaktan ako. Nasaktan ako sa nangyari sa love life ko. Siguro nga nagbago na ako. Naging bato na yung puso ko. Hindi ko na makita ang positive sides ng lahat.”
“Ang hirap talaga kapag broken hearted ang isang tao. Wala ka nang gagawin kundi ang mag-isip nang mag-isip nang mag-isip. Walang katapusang pag-iisip kung paano kung ganito, paano kung ganyan. Parang nakakaparanoid na.”
“Ang buhay ng tao ay isang patimpalak. May nananalo, may natatalo pero lahat, natututo. Na sa kahit anong ibigay ng tadhana sa atin, Go Fight lang sa buhay!”





