sa dulo
laging lahat ay nag-uumpisa sa katapusan
kung kailan hinayaan mong mamatay ka
hindi ko tinutukoy ang iyong katawan
kundi ang luma mong kaluluwa
'pagtapos ng kamatayan ay buhay
at doon ang simula ng hiwaga
may kalayaang tunay
at 'di masasakop na tuwa
'pagkat ang dulo ay siya ring wakas
ng mga hunyango at manlilinlang
mapapawi na rin ang dahas
aalisin ang kunwari at hunghang
sa dulo ang simula
sa simula naman ang laya
ang laya ay ang saya
at ang saya ay ang hiwaga













