PAANO BA AKO KIKITA SA PAYBUX MULA LANG SA PERSONAL NA PURCHASES KO??
Kung ikaw ay bago o kakadownload mo lang sa PayBux, malamang ito ang una mong itatanong: Paano ba ako kikita sa PayBux? Napakasimpleng tanong ngunit napakahirap sagutin lalo na kung hindi ka pa nakakaattend sa seminar.
Pero huwag mag alala, susubukan kong ilahad ang pinaka basic na paraan upang kumita sa PayBux.
Pwede kang kumita sa personal mong purchases gamit ang PayBux sa dalawang paraan: (1) HEXCELL o (2) TURBO.Β
May kalayaan kang mamili kung TURBO o HEXCELL sa pag paglipat ng bar sa kaliwa o kanan. Pag usapan naman natin ang pagkakaiba ng bawat isa.
1. PROJECT TURBO
Sa Project Turbo, kikita ka INSTANTLY. Pagkatapos mong mag purchase, makakakuha ka kaagad ng rebates o discount mula sa produktong iyong binili. Mas malaki rin ito kesa sa kung magkano ang ibinibigay ng ating mga partner merchants. At least, hindi ka na magbabayad ng 27-28 pesos para sa 25 peso load. Sa halip, meron ka pang discount. Ito ang TURBO rewards na makukuha mo mula sa ating current active merchants:
-Globe Telecom Products - 7% outright rebate. -Sun Telecom Products - 7% outright rebate. -Smart Telecom Products - 6.44% outright rebate -Petron Value Card Reload - 0.80% outright rebate -Happy Plus Card Reload - 1% outright rebate + 2% when using the HPC = 3% Total
Ang ibang merchants sa PayBux tulad ng Cignal, Meralco Kuryente Load, Southstar Drug, Yoshinoya, Andoks, Laybare, Malayan Insurance, Figaro at Robinsons Movieworld ay wala pang anunsyo kung magkano ang rebate na kanilang ibibigay.
Sa kasalukuyan, ang lahat ng gumagamit ng PayBux (Builders, Mentors, Icons) ay parepareho ang rebate na nakukuha mula sa Project Turbo. Ibig sabihin, kahit na ikaw ay isang FREE user (Builder), maaari ka nang magkaroon ng sarili mong Reloading Station gamit ang PayBux ng libre.
2. HEXCELL
Sa Hexcell program, meron tayong tinatawag na Qualifying Purchase o QP para makakuha tayo ng Inactivated Hexcell. Kapag mas maraming QPs o Hexcell na magagawa/makukuha, mas maraming kita. Walang limitasyon kung gaano karaming QPs ang pwede mong gawin. Bawat merchant ay nagbibigay ng 1QP/Hexcell sa tuwing makakamit mo ang kanilang "Purchase Targets" sa loob ng isang buwan.
-Globe Telecom Products - P375 worth of Load -Sun Telecom Products - P350 worth of Load -Smart Telecom Products - P375 worth of Load -Petron Value Card Reload - P1,700 worth of fuel -Happy Plus Card Reload - P400 worth of Happy Points
ACTIVATED Hexcell
Lahat ng QPs ng lahat ng gumagamit ng PayBux ay paguugnay ugnayin ng system. Kapag ang iyong inactivated hexcell ay dinikitan ng anim (6) na Hexcell, ito ay magiging ACTIVATED at bibigyan ka ng 30Bux! Bawat activated Hexcell ay bibigyan ka ng 30Bux na kung saan pwede mo ulit gamiting pambili ng mga produkto mula sa mga partner merchants.
Ang bilis ng pagdikit ng ibang Hexcell sa inactivated Hexcell mo ay base sa ORAS at RELASYON. Ibig sabihin, kapag maaga kang nakagawa ng QP/Hexcell sa isang buwan at may mga LINKs ka na gumagamit ng PayBux, mas mabilis maaactivate ang Hexcell mo.
IMPORTANT NOTES: - Kung may mga LINK ka na nakakagawa ng 6 QPs, lahat ng mga Hexcell na yun ay didikit sa Hexcell mo. - Umaabot ng 35-45 days (base sa PayBux PIF Team's study) para maactivate ang Hexcell kung wala kang LINKS (ibig sabihin, HINDI REQUIREMENT ANG MAG RECRUIT para KUMITA), pero kung may mga LINKS ka na nagkakaroon ng QPs mas mabilis maaactivate ang Hexcell mo. - Ang sarili mong QPs/Hexcell ay hindi didikit sa sarili mong Hexcell.
REGENERATION
Ngayong nalaman mo na na kailangan ng 6 QPs/Hexcell para maactivate ang Hexcell mo, dapat mo namang maintindihan ang konsepto ng HEXCELL REGENERATION.
Mag Review Tayo: Kapag may 6 na ibang Hexcell na dumikit sa iyong inactivated Hexcell, ito ay maaACTIVATE at magkakaroon ka ng 30Bux.
Kapag naactivate ang iyong Hexcell, ito ay automatic na magreregenerate o gagawa ng panibagong inactivated na hexcell hanggang sa madikitan ulit ng 6 na Hexcell at maactivate, meron ka ulit 30Bux at magreregenerate ulit ito. Isa itong cycle. Ang dami ng beses ng regeneration ng isang Hexcell mo ay depende sa uri ng iyong subscription sa PayBux.
-USERS (those with FREE accounts WITHOUT a linker *you can use mine "jaycg" to be Builder*) - 1 regeneration = (30Bux). -BUILDERS (those with FREE accounts WITH a linker) - 3 regenerations = (90Bux). -MENTORS (Paid User) - 6 regenerations = (180Bux). -ICONS (Paid User) - 12 regenerations = (360Bux).
Bilang FREE User, mas mamamaximize mo ang pagkita kung ikaw ay naka LINK sa isang PayBux user.
Sa madaling salita, para sa HEXCELL Program, kikita ka kapag ikaw ay may Qualifying Purchase (QP). Hindi mo kailangan mag RECRUIT o MAGBENTA ng kahit anong produkto para kumita.
Para sa iyong ibang katanungan, maaari mo akong kontakin sa [email protected]. Mag LINK upang mamaximize ang rewards: "jaycg"
(Original content: by Rommel Bartolome www.paybux.org)
Ang susunod na BLOG ay kung paano/saan kukuha ng BUX.







