Paalam ng personal 3/10/2023 3:57 PM (10)
Dear J,
Sabi ko sayo at totoo na huli na to. Gusto ko lang talaga makita at makausap ka ng personal sa huling pagkakataon kahit wala kang sabihin makinig ka lang sapat na sakin yon. Alam ko ayaw mo na mangyari to na kakausapin pa kita at makita ako, huli naman na kaya sana mapagbigyan mo ako. Pasensya kana ha. Sobrang sumasakit na kasi ulo ko sa hindi tamang pagtulog kasi hindi na ko makatulog ng maayos kakaisip at hindi nanaman ako makakain ng tama. Nandito ako para sabihin mga natitirang salita na gusto kong mapakinggan mo lang. Alam ko naman wala ka naman ng reaksyon sa kahit ano kaya yung pakikinig mo lang malaking bagay na kaya salamat sa pagkakataon na to. Nandito ako sa harap mo kasi magpapaalam na ako ng tuluyan gaya ng matagal mo ng gusto kong gawin. Nahihirapan na kasi ako araw araw na akong umiiyak pero wala naman magagawa yung iyak ko, hindi mo na ako mahal, hindi kana babalik kahit anong gawin ko. May oras na sa sobrang sakit gusto ko ng mawala pero hindi pwede kasi sayang ang buhay. Una sisimulan ko na kaya ako nagkakaganito kasi hindi ko matanggap na nawala kana agad. Hindi ko matanggap na ang bilis mo makalimot at ang bilis mawala ng pagmamahal mo sakin. Ang daya mo kasi lahat ng sinabi mong pangako at plano sakin sinabi mo lang hindi mo tinupad. Nararamdaman ko naman na noon pa man, kada magaaway tayo palaging bukang bibig mo na maghiwalay nalang tayo. Hindi ko alam saan mo nakukuha yung lakas ng loob mo na lagi mo sinasabi yon pero palagi akong nasasaktan pag sinasabi mo yon. Masakit kasi parang para sayo yun nalang yung paraan para masolusyunan yung problema, pakiramdam ko palaging iniisip o naiisip mo na sukuan na ako. Hindi ko alam saan galing na noon pa man my lakas kana ng loob para naiisip mo na hiwalayan ako ng tuluyan para magawa mo na yung gusto mo. Ibig sabihin gusto mo rin ako pero may hangganan. Na napaniwala ako na walang hanggangan yung atin kaya ngayon stuck ako sa pain, memories, mga plano, at pangako mo sakin kasi pinanghawakan ko yun na alam ko kahit anong pagsubok pagdaanan natin ang nasa isip ko tayo parin gagawa tayo ng paraan para tayo parin. Pero at the end of the day ako nalang pala nagiisip ng ganun. Ako lang pala nagiisip ng ganun. Hindi ko gustong iwanan ka, yung mga oras na yun, yun ang alam kong tamang gawin para maging maayos yung relasyon natin. I gave my word to you na sigurado na babalik ako. Ibig sabihin alam mong magpaparamdam ulit ako akong plano na tapusin yung relasyon natin pero ikaw habang hindi pala tayo naguusap nagdesisyon kana ng hindi ko alam na gusto mo na talagang tapusin. Sobrang sakit kasi alam nating dalawa yung pagmamahal nating dalawa sa isa’t isa. Nararamdaman natin kahit malayo tayo sa isa’t isa pero para sayo wala nalang yun. Siguro sadyang hindi talaga pantay yung pagmamahal mo sakin, at pagmamahal ko sayo. Yung space na hiningi ko para sa relasyon natin hindi para sa sarili ko. Sigurado ako na babalik ako, nasa isip ko aayusin natin pareho. Pero iba pala nasa isip mo, nasa isip mo talagang tapusin na kahit alam mong babalik ako. Ibig sabihin noon pa man ayaw mo na talaga ako panindigan. Ibig sabihin hindi ka ganun kalakas para ipaglaban at hintayin na mag reach out ako sayo. Napatunayan ko na kaya mo akong ipagpalit kahit saan, napatunayan ko na hindi talaga malalim yung pagmamahal mo sakin. Napatunayan ko na hindi ka talaga sasaya sakin. Pangalawa sorry kung hanggang ngayon di ko matanggap na hindi mo na ako mahal. Salamat kasi naramdaman ko sayo yung totoong pagmamahal sadyang yung sayo hanggang dun nalang ako kasi medyo matatagalan pa talaga. Ang sarap mong magmahal, ang saya saya mo kasama, hindi ko mapaliwanag yung sarap na nararamdaman ko pag pinaparamdam mong mahal mo ako. Lalo na pag nagmemake love tayo. Yung init ng yakap mo at diin ng halik mo dun ko ramdam na totoong mahal mo ako. Pero wala na ngayon. Kinalimutan mo na lahat at maaari sa paniniwala mo ngayon sobra na yun na makasalanan kaya madali mo nalang inalis yun sa sistema mo. Ako? eto nangungulila sa tamis ng halik mo at init ng yakap mo. Nangungulila sa presence mo, sa mga ngiti, tawa’t mga hawak mo. Sobra sobra sobra sobra kong namimiss araw araw at gabi gabi. Kahit saan, kahit anong gawin ko nakikita at naalala kita. Ang pinaka masakit na nangyari sa buhay ko ay yung hinayaan kita mawala sa buhay ko, na kahit kelan hindi ko mapapatawad sarili ko. Pero wala eh. Wala na. Tapos na. Lagi ko iniisip na sana hindi ko ginawa yun, sana ganito ginawa ko. Pinapatay ako ng pagsisisi ko araw araw. Dahil maling mali ang desisyon ko na iwan at hayaan ka. Napaka sakit na yung taong mahal ko, hindi na ako mahal. Yung taong gusto akong makita, iniiwasan na ko, yung taong gusto na nandyan ako palagi, pinapalayo na ko. Pero wala na. Sino nalang ako sa buhay na pinili mo ngayon? Wala na. Sino ako para piliin mo ulit diba? Pag pinipili mo ako lagi kang nasasaktan. Ngayon pinili mo na yung buhay na gusto mo na wala ako at nakikita ko sobrang masaya ka na wala ako. Sobrang hindi mo na ako kailangan. Yung baby ko kaya ng magisa, masaya na kahit wala ako, masaya kana naisip mo hindi mo na ako kailangan. Gusto ko lang rin sabihin sayo na sobra akong proud sa lahat ng nararating mo ngayon. Kasi alam ko kung hindi mo pinili yung pinili mo ngayon hindi mo mararating yan. Pero pag ako pinili mo alam mo na mahihirapan ka sakin at ayaw mo ng mahirapan kaya pinagdesisyunan mo na dapat na akong bitawan. Sabi mo lumaban ka ng sobra, salamat lumaban ka pero hindi ka lumaban hanggang huli. Pero hindi naman kita masisisi kasi nakita mo na, na mas masaya ang buhay mo nung nawala ako. Kaya sigurado ako na totoo nga sinasabi mo na hindi mo na ako babalikan at mamahalin pa ulit dahil nakita mo na yung buhay na gusto mo at yun yung wala ako. Proud ako sa achievements mo at sa lahat pa ng dadating na blessings pa sa buhay mo kasi deserve mo lahat ng yun, ako lang naman yung hindi mo deserve. Sorry dumating pa ko sa buhay mo, and I just caused you a lot of pain. Naiintindihan ko na nirerespeto ko na ito na yung buhay na pinili mo. Masakit pala na hindi piliin. Pero ngayon, ikaw naman. Your happiness is important to me. Alam ko masaya kana kaya tuloy mo lang, you don’t have to feel gulity na nagkakaganito ako kasi magkaiba tayo ng process ng acceptance at healing. Ikaw accepted mo na matagal na, healed kana okay na okay kana. Ako wala parin stuck parin, in pain parin. Ikaw nakalaya kana at masaya ako para sayo na nagawa mo yan. Hindi kana hirap, hindi kana nasasaktan, kasi madami ka ng sakit na naranasan sa buhay mo kaya deserve mo talaga maging masaya na kasi alam kong pagod kana mahirapan at masaktan. That’s why I’m letting you go. Live your life and be happy. Alam ko nakita mo na yung right one for you sana hindi ko makita kasi hindi ko talaga kaya, baka hindi ko kayanin. Matagal tagal pa ko makaka move on sayo at sa pagmamahalan nating dalawa kasi I kept my promise to you na ikaw gusto kong mahalin ng pang matagalan talaga. At ikaw yung tao na gusto ko makasama na at pakasalan. Di ko alam ako lang pala may gusto nun. Pero wala na. Galit ako sayo kasi sa lahat ng pangako mo sakin ito lang yung tinupad mo, na hindi mo na ako babalikan. Mga pangako mo na paninindigan mo ako wala na. Hindi mo tinupad, wala kang tinupad, binitawan mo nalang ako agad. Kaya sige na, alam ko naman hindi mo na ako inaalala, hindi mo na ako iniisip kaya ituloy mo nalang yan. Ako na bahala sa sarili ko kasi wala na, hindi mo na ako responsibilidad. You found out that life is better without me, life is lighter without me, and life is happier without me. Masaya ang buhay mo kapag wala ako. Ngayong nakikita kong masaya kana, nadudurog ako, nawawasak ako. Kasi sana dapat kasama ako pero hindi na, wala na. Malaya kana sa lahat ng sakit na dinulot ko. Masaya ako kasi nakita mo na kung ano talaga yung para sayo at malinaw sakin na hindi ako yun. Salamat sa pagmamahal, sa pagaaalaga, sa mga halik, mga yakap, mga hawak, salamat sa masayang mga alaala, salamat sa mga panahon na kumapit ka, salamat narasanan kong mahalin mo ako. Puro ako e diba? Ngayon. Ikaw naman. Sarili mo naman, yung totoong mahal mo at kailangan mo naman. Alam ko sobrang magiging masaya kana sa pagpapalaya ko sayo. At kahit nagbago kana, at kung sino ka man ngayon. Yung pagmamahal ko sayo simula nung una kita makilala ganun parin hinding hindi nagbabago. Mahal ko, mahal na mahal kita at pinapalaya na kita. I know you found someone whose presence is enough to comfort you, the one that you are proud to show the world, because I think that was something I couldn’t give to you. No matter how I try to comfort you it just doesn’t reach you. I will never me enough for you. Im sorry not perfect for you. I will always love you, no matter what and no matter who you are. Ang daming lugar na gusto kong puntahan kasama ka, daming pagkainan na gusto kong madiscover kasama ka, madaming adventures na bago na gusto kong subuksan kasama ka at si clyde. Alam mo na kahit di ko sabihin, masaya ako kasi nagkaron ako ng parang anak at pamilya dahil sayo. Kung alam mo yung pasilyo na kanta gusto kong isayaw ka habang tinutugtog yun. Tutunog yung araw-araw ng ben&ben at titingnan kita at hahalikan kita kasi pinipili kita araw-araw. Pero wala ng lahat ng yon kasi wala kana. Alam mo, iniisip ko baka panaginip lang lahat ng to at sana magising na ko, gigisingin mo ako at sasabihin mo, “baby gising kana bangon kana nananaginip ka lang” Pero hindi totoo na lahat ng to. Oh kaya baka prank lang ‘to kasi mahilig ka sa prank diba? Lagi kita napapanigipan, sana hindi na ako magising kasi dun lang kita nakikita at nakakasama. Pagdilat ng mata ko wala na ulit. Wala na talaga. Para sakin ikaw na talaga pang habang buhay, pero ako para sayo dadaan lang sa buhay mo. Di pala talaga ako parte sa mga plano mo. Totoo at tuluyan mo na akong iniwan. Joana Camille Pena Dela Pena, mahal ko, you will always be my one true and greatest love, palagi kang nasa puso ko and I wish you the best of life. Sabi ng ben&ben, "ikaw parin ang pipiliin kong mahalin, sa susunod na habang buhay"













