Yung kwentong ipinasa ko sa USTF. Panyo.
(NOTE: Medyo mahaba pero baka magamit niyo.)
May nagrereport about sa Artificial Intelligence.
REPORTER (asking us): What is the best thing about being a human?
CLASSMATE: Feelings.
REPORTER: Hindi ba mas maganda kung wala ka nang feelings para hindi ka na masasaktan?
Magrereport na lang may hugot pa.
Anyway. Hindi ko alam kung related yan sa mismong istorya na mababasa niyo.
Ako yung tipo ng tao na hindi pwedeng walang dalang panyo kapag papasok ng school o may pupuntahan. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako sanay kapag walang dalang panyo. Noon, isang panyo lang ang lagi kong dala at siguro naman ganun din kayo. Pero ngayon, laging dalawang panyo o tatlo ang dinadala ko. Bakit? Well, nagstart to nung 2nd year college ako.
October. Friday. About 6:00pm. Umuulan.
Naglalakad na ako pauwi with payong na "Avon", sinisipon at nilalamig.
May dalawang ruta para makarating sa bahay namin, yung maingay na daan at tahimik na daan. Doon ako dumaan sa tahimik na daan kahit medyo madilim para walang mga sasakyan at mababanggang tao. Wala rin naman ako balak makakita ng chicks kaya dun na lang para makauwi agad.
Ayun lakad lang nang lakad. Nung nasa kalagitnaan na ko, may narinig akong umiiyak na babae. Napatigil ako, di ko alam kung itutuloy ko pa ba yung paglakad ko o babalik ako at lilipat sa maingay na daan. Natakot ako siyempre, ang creepy eh. Haha! Tapos narinig ko simisinghot at inuubo yung babae, edi ayun parang napanatag ako. Ewan ko kung bakit. Wala pa naman kasi akong napanood na horror movie na sumisinghot tapos naubo yung multo hahaha. Edi ayun dahan dahan na akong naglakad tapos nakita ko yung babaeng umiiyak may kasamang isa pang babae nakasilong dun sa malapit sa hagdan na ano basta yun. Tapos nakita ko pinampupunas yung yellow paper sa mukha niya. Cute. So resourceful. Ang bait lang nung kaibigan, bagong bili pa ata yung yellow pad. Wala ba siyang dalang panyo? Bakit yellow paper pa? Save the trees. -.- Bigay ko sana yung panyo ko kaso puro sipon na. Nakakahiya. Haha. Naisip ko rin kahit itupi na lang siguro sa kabilang side na walang sipon haha kaso wala eh. Okay na siguro yung yellow pad. Tapos ako, wala diretso na lang pauwi.
Kaya ayun, simula nung araw na yun dalawa o tatlo na dinadala kong panyo. XD
Yung pangatlong panyo minsan lang kapag trip ko. Haha
Kapag lalabhan ko naman yung mga panyo, dapat laging meron nung sikat na fabric conditioner, "Downy". Yung sunrise fresh dapat.
Iba pa rin kapag mabango yung panyo kapag ibinigay mo dun sa babae.
One afternoon. Mga 1:00pm.
Wala na akong klase, maaga pa kaya naisipan kong gumala mag-isa. Maiba naman.
Mainit kaya pumunta ako sa mall para masaya.
Kumain mag-isa dun sa may unlimited rice.
Naglaro mag-isa sa ano.
Tumingin tingin mag-isa sa paligid.
Tapos may nakitang magandang binibini, mag-isang tumitingin din sa paligid.
Hindi man sinasadya. Magtatagpo ang mga mata.
Ngi-ngiti nang bahagya. Slow-mo para masaya.
Parang kapeng mainit. Parang tubig na malamig.
Ewan ko ba kung bakit. Pero ako'y kinikilig.
Sumisipol na hangin. Music video ang dating.
Sumisimple ng tingin. Anong mararating?
Ayun paikot ikot lang ako kung nasaan siya at pasimpleng sumusulyap sa kanya.
Sabi ko sa sarili ko, "Hanggang tingin ka na lang ba? Walang mapapala kung di ka magbakasakali. Lumilipas ang oras baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan."
Ilang beses kaming nagka eye to eye.
Kaya ayun, hingang malalim, "G!"
Lakad palapit sa kanya, medyo mabagal kinakabahan e haha.
Mga 5 steps na lang nang biglang may lumapit sa kanya na lalaki mukhang tikoy.
Nagholding hands sila. Tapos sway sway pa mga 3 times. </3
Tapos wala uwi na lang ako.
NGARAP eh.
Nakita ko ulit yung babaeng yun, mag-isang nakaupo tapos namumugto yung mga mata. May hawak na gamit na tissue.
Kakaiba yung lungkot ko nung nakita ko siya.
Tinabihan ko tapos inabot ko yung extra kong panyo.
Hindi niya tinanggap tapos ayun lumuha na naman di ko naman inaano.
Buti nga hindi yellow pad inabot ko e. -.-
Edi ayun ako na lang ang nagpunas ng luha niya kahit sobrang awkward.
Tapos kukunin din naman pala niya. Haaaaay.
Mga 6:00pm na.
Nandun lang ako sa tabi niya. Hindi na siya umiiyak.
Tumayo na siya at uuwi na raw.
Her: Salamat nga pala. Balik ko na lang yung panyo mo next time.
Me: Hindi sige okay lang.
Her: Ibabalik ko na sige thank you ulit. (pilit na ngiti tapos kumaway)
Me: Sige. Ingat ka Miss?
Her: **** *****(walked away)
Nalaman ko yung ma-ala-keso niyang pangalan.
Naging friend ko siya sa facebook.
Nagkakausap kami tapos ayun 2 years na.
2 years na niyang hindi ibinabalik yung panyo ko.
Ako? Single pa rin. Tapos siya? Sila pa rin nung mukhang tikoy.
Ganyan lang talaga. Pochiness!
Okay lang. Yung downy nga di nagtatagal yung amoy nang forever eh.
Yun pa kaya. Hahaha!
Pero ganun pa rin yung panyo kong dala. Nagbabakasakali parin. XD
Hindi lang talaga ako sanay sa mga ganung bagay. Yung lovelife?
Yung tropa ko nga mukha nang tuyot na ubas, away bati sila.
Gusto ko kasi yung sigurado na ako saka ko sasabihin sa sarili na,
"Panahon na siguro para maging tuyot na ubas, masasaktan kung masasaktan."
Kilometer
2015
Conservatory of Music