Travel Blog: Tema - Tabing-Dagat
Ang aking Paglalakbay sa Boracay
By: John Doctora
Pagbati sa mga mahilig maglakbay at sa mga palibotlibot! Sa totoo lang, wala talaga akong masyadong hilig sa paglalakbay, pero nung pumunta ako sa Boracay, parang nag-iba na ang isip ko. Kaya ngayon, gusto kong ibahagi ang aking karanasan, damdamin at ang mga pangyayaring naganap doon. Noong Abril ng 2019, biglang nagpatalos ang mga magulang ko, at sinabi nila na magbabakasyon ang pamilya namin dahil gusto ni Lola na makita ang “kanyang apo.” Kung hindi nila sinabi na inayos ito ni lola, hindi ata ako sasama sa pagkatalisod.
Sa pagkarating namin lugar ay ako’y napasigla. Pagkababa namin sa bus, lumabas kami para maghanap ng lugar na matutuluyan namin. Nilibot namin ang lugar hanggang nahanap namin ang Asya Premier Suites.
Dito kami nakakita ng maraming dayuhan tulad ng mga Americano at Hapon. Nakita rin namin na mayroong “mini bar” sa lugar ng mga palanguyan, at ang mga palanguyan ay nagmumukang talon.
Tinatawag itong “infinity pool” dahil konektado ang mga ito. Mayroon rin silang balkonahe para makikita ng pamilya ko ang dalampasigan ng Boracay, at ang dagat nito.
Nung nakarating na kami sa dalampasigan, ang nadiskubre ng kapatid ko ay mayroon raw ng mas maraming dalampasigan ang Boracay. Isa lamang sa lugar ang “Boracay beach.” Ang dami kasi ng puting buhangin sa lugar na baka sa tingin ng iba, iisa lamang ang dalampasigan dito. Lumangoy kami sa dagat ng Boracay hanggang napagod kami.
Ang dami kong nakikitang halamang dagat at hayop, tulad ng iba’t ibang kulay na koral, kalisag, clownfish, puffer fish, at ng dikya (jellyfish). Gusto ko muli pumunta rito, dahil may marami pa akong bagay na hindi ko pa ginawa nang nandoon pa ako. Sana maranasan niyo ang pakiramdam ng malinis na tubig sa dagat, at makita ang kagandahan na nasa dagat lamang na makikita.
.
.
.
.
Pagkatisod sa El Nido, Palawan
by: Iran Bogñalbal
Mayroong kasabihang “You Only Live Once” o Mamuhay ng Malualhati at gawin ang lahat ng gusto mong gawin dahil isang beses ka lang mamumuhay dito sa mundo. Ano pa bang ibang paraan magsaya kung maari kang maglakbay kasama ang iyong mga pamilya sa mga tourist spots ng Pilipinas.
Isa sa mga napuntahan ko ay ang El nido, Palawan. And El nido ay kilala sa kanyang white-sand beaches at coral reefs na nagsisilbing daanan sa kanyang napakagandang Bacuit Archipelago, grupo ng mga isla ng may mga matatarik na karst cliffs. Ang sabi nila, and pinakamainam na bisitahin ang El Nido ay sa mga buwan ng Nobyembre hanggang Mayo. Sa unang kalahati ng panahong ito, ang malamig na hanging hilagang-silangan ay umaakma sa maaraw na kalangitan, na nagbibigay-daan sa iyong tuklasin ang mga isla nang maginhawa. Sa pagpasok ng mga buwan ng tag-araw ng Marso at Mayo, ang init din; magdala ng sapat na sunscreen upang maprotektahan ang iyong sarili.
Nang kami ay nakarating dito, binigyan kami ng tour kung saan mabigyan kami ng pagkakataon mag island-hopping dito sa El nido. Sa mga paglilibot na ito, maaaring magpakasawa ang mga manlalakbay sa magagandang tanawin ng dagat, lumangoy sa malinis na tubig o magpahinga sa mga white-sand beaches. Dito sa paglakbay namin sa Island Hopping ay nakapag snorkeling, kayak, kung saan mapapahalaga at makikita naten ang kagandahan at kalinisan ng kalikasan dito sa El Nido.
Ang aking naging realisasyon sa aking pagpunta sa El Nido, Palawan ay isa itong sa napakaraming magagandang destinasyon ng Pilipinas kung saan madalas pinupuntahan ng mga tourista. Dahil naglalaganap ang paggamit ng sosyal medya sa ating mga kabataan, maari ko itong magamit sa pagsagawa ng mga infomercial, mga vlogs o posts na makakapagkalat ng impormasyon ng sariling atin tulad na mga lokal na produkto at kultura. Nais dapat natin ipamalas ang turismo sa iba’t ibang probinsya sa pamamagitan ng pagtangkilik at mapakita kung bakit “It’s More Fun in the Philippines.”
.
.
.
.
ANG PAGTALON SA ISLA
by: Terrence Hallare
Ang Hunderd Islands ay isa sa mga pinaka-magandang lugar na mapupuntahan dito sa Pilipinas na matatagpuan sa Alaminos Pangasinan. Ang Hundred Islands ay kilala sa pagkakaroon ng 124 na mga isla at dagat na dinadayo ng mga tao. Ang aming paglakbay dito sa Hundred Islands ay nangyari noong taon 2019. Ang aming karanasan dito ay isa sa mga hindi namin makakalimutan na paglalakbay.
Simulan natin ang aming paglalakbay sa landmark ng Hundred Islands. Sa aming pagdating dito, sasalubungin ka ng mga bangkero para mag renta ng bangka para sa island hopping sa araw na iyon. Ang aming nakuhang bangka ay may kapasidad na 15 na tao. Mula dito ay nagtungo na kami sa aming unang destinasyon ang Children’s Island. Dito ay mayroong nipa house at mga lamesa na pwedeng pag rentahan para sa inyong pagpunta don. Sa Children’s Island ay pwede kang magpahinga, mayroong overlooking na tanawin at mga puno’t ibon na kakalma sa inyong sa inyong mga isipan. Sa aming pagpunta sa Children’s Island kumuha kami ng nipa house at kumain ng tanghalian bago kami nagtungong lumangoy. Tinawag itong Children’s dahil mayroon itong mababaw na parte na tubig kung saan pwedeng lumangoy at mag enjoy ang mga bata. Dito ay mayroong pwedeng gamiting libreng kayak at mag ikot-ikot sa paligid ng mga isla.
Matapos ang ilang oras naming pananatili dito ay sinundo na kami ng aming bangka at nagtungo na sa susunod na isla. Ang sumunod na pinuntahan naming isla ay tinatawag na Marcos Island. Ang islang ito ay malayong malayong kumpara sa Children’s Island. Dito ay pwede mong maranasan ang ibat-ibang mga aktibidad katulad na ng zipline. At puwede ka din ditong mag snorkling sa mga magagandang parte ng dagat. Bukod pa sa mga patok na patok na mga aktibidad dito ay hindi magpapatalo ang restaurant at ibat-ibang shops. Maari kang kumain at mamili ng mga souvenirs sa islang ito.
Bukod sa aking mga nabanggit na gawain sa islang ito, mayroong kaming isang huling ginawa bago namin tapusin ang araw namin sa tabi lamang ng Marcos Island ay mayroong tinatawag na Imelda cave kung saan pwede kang tumalon mula sa mataas na parte nito at lumangoy. Kasama ko ang aking pamilya, sabay-sabay namin itong sinubukan at isa-isa kaming tumalon mula sa mataas na palapag. Ang aming mga karansan dito ay hinding-hindi talaga namin makakalimutan sapagkat sa taong 2019 ito na ang aming pangalawang bisita dito sa Hundred Island.
Para sa mga mahilig maglakbay katulad namin, masasabi kong hinding-hindi kayo magkakamali puntahan ang Hundred Island sapagkat ito’y napaka ganda at madaming puwedeng gawin.
.
.
.
.
Pagbalik sa Tagbac
by: Miguel Gabriel D. Espuerta
Malugod na pagbati sa sinumang makakabasa ng aking mapagpakumbaba ng alaala ng mga karanasan. Sa totoo lang hindi ako nagkaroon ng anumang kaguluhan sa mga tuntunin ng paglalakbay para sa paglilibang, ngunit ang paglalakbay ay kasabay ng aking pagnanais na makipagkita sa aking mga lolo at lola kaya tinanggap ko. Naalala ko ang paglalakbay noong isang taon ang nakalipas sa pagtatapos ng school year, noong Abril 2021. Nakarating kami sa pantalan at nakipagkita sa ilan sa kanilang mga kapitbahay upang ihatid kami patungo sa bahay ng aking mga lolo at lola.
Ang pakikipag kita sa mga miyembro ng pamilya sa iba't ibang isla ay isang kaaya-ayang kaganapan ngunit iminungkahi nila na maglakbay kami sa isang kaibigan nila sa isang resort sa kalapit na tabing-dagat. Nagkaroon ako ng reserbasyon sa pagsali ngunit gusto ng aking nakababatang kapatid na lalaki na maranasan ito at pinili ko na lamang na sumama. Pinagmamasdan siya habang ang iba ay nag-eenjoy sa paglangoy at ang aking tiyuhin ay nag-iihaw ng mga karne ng inilagay ang aking lolo sa freezer. Bagama't nasiyahan ako sa mga tanawing binigay ng dalampasigan, lalo na sa paglubog ng araw at halos palaging pagsikat ng araw. Kadalasan ang resort ay may ilang mga aktibidad sa paglilibang tulad ng isang volleyball field at ilang mga canoe para sa ilang kasiyahan ng grupo. Ang paglalakbay ay kasiya-siya at ang aking maliit na kapatid na lalaki ay nagsasalita pa rin tungkol sa kung paano ang buhangin sa pagitan ng kanyang mga tsinelas habang siya ay tumatakbo at gallivating sa paligid. Hindi ko masabi nasisiyahan ako sa ideya ng pagpunta sa paglalakbay, ngunit masisiyahan ako kasama ng mga nasiyahan dito ang karanasan sa mga nagnanais ng simpleng kasiyahan sa tabing-dagat ay nasa Tagbac. Personal, na-enjoy ko ang view ng higit sa anupama.










