Paano ko isasabuhay ang turo ng aking relihiyon?
Mga kapatid ko sa Diyos,Nais ko lamang ipahatid na bigyang pansin ang mga turo ng ating Panginoon. Ang aking relihiyon ay batay sa mga turo ni Jesus, kaya’t sinisikap kong maging mas mabuting tao sa pamamagitan ng pagkatuto mula sa kanyang buhay, at pagsisikap na gawin ang gagawin niya sa anumang situwasyon. Nagkaroon ako ng pagkakataon na magboluntaryo sa aking simbahan, mula sa pagiging katekista. Mas malaki ang epekto ng ginagawa ng isang tao kaysa kanyang sinasabi. Sinisikap kung tularan ang halimbawa ni Jesucristo sa pagiging tapat, mabait, at maawain sa ibang tao. Alam ko na sa pagsunod sa Kanyang halimbawa ng paglilingkod sa iba ay magkakaroon tayo ng tunay na kagalakan sa buhay na ito.
-marian bacero















