Andami ko pa sanang gustong sabihin pero paulit ulit ko ring sinasabi sa utak ko na kung totoong mahal ka, hindi mo kailangan patunayan ang sarili mo, hindi mo kailangang paulit ulit ipaliwanag yung nararamdaman mo, hindi mo kailangan magmakaawa para lang piliin ka.
Andami ko na rin nilunok na pride. Sapat na siguro yun para patunayan kung sino ba ako at anong klaseng pagmamahal yung kaya kong ibigay.
Naisip ko rin, kung maayos man, ano pa yung ibibigay ko eh parang naibigay ko na lahat. Napatunayan ko na rin na sa kusang paglayo eh hindi naman talaga ako ganon kahalaga. Kasi kung totoong mahal ka, bat nakakaya kang makitang nasasaktan at worst, alam nilang nasasaktan ka nila.
Kaya okay na. Sapat na. Sapat na para piliin naman ang sarili kesa ang iba. Nakakapagod din pala.









