CORONACRISIS
Bit of Sharing:
Paano kung nawala na ang halaga ng pera? Paano ka mabubuhay? Ugaliin na natin magtanim at maalaga ng live stocks. Ngayon crisis hindi mo na alam san ka kukuha ng pagkain at ikabubuhay mo.
Mas mayaman ang magsasaka ngayon at manginigisda kasi hangang ngayon alam pa nila gaano kapayak ang buhay. May nakakain sila at alam nilang magimpok kahit hangang ngayon.
May mga bagay kang marerealize na sana payak nalang ang buhay, dati kasi ganun. Sa ngayon namomoblema tayo kung paano tayo kakain at kabuhayan natin.
Kahit may kinita ka ngayon, paano kung ubos na ang resources? Wala ka ng mabili? Possible ba un? Oo possible kasi nga nararanasan natin ngayon yan ilang araw palang namomoblema tayo diba?
May kasabihan nga "Back to basics", ikaw mismo pwede ka naman gumawa ng paraan. Kung hindi kasi natin nalimutan ang dati hindi tayo magkakaproblema ngayon masyado tayong umasa sa pera at mga makabagong technolohiya ngayon. Napabayaan talaga natin ang kalikasan at mga sarili natin sa pagiging simple.
Ano bang point ko?
Ang point ko ay kahit nagiiba ang takbo ng mundo natin o kabuhayan natin. Hwag natin sana natin kalimutan kung saan tayo nangaling. Kahit ako pinagsisihan ko rin ang kamalian ko.
Tulad ngayon may pahiwatig ang sa taas, kung sana lang nakinig lahat tayo sa kanya masaya lahat tayo.
Magdasal tayo na maawa parin siya satin inspite na nagagawa natin sa mundong binigay natin sa atin lahat. Mahirap kung nagalit ang Diyos satin, oo lahat tayo madadamay.
Go, my people, enter your rooms and shut the doors behind you; hide yourselves for a little while until his wrath has passed by. -Isaiah 26:20
#God'sMessage #Healtheworld #Godblessusall















