Ang Senior High School Department ng Don Bosco Technical Institute of Makati
#Tekstong Impormatibo
Ang Senior High School Department ng Don Bosco Technical Institute of Makati: Kalidad na Hindi Magbabago
Ni John Dominic Valeria
     Ang Senior High School Department ng Don Bosco Technical Institute of Makati ay unang itinatag noong taong 2014, kasabay ng pagbabago ng kurikulum ng DepEd papunta sa K-12. Pitong taon na ang nakalipas, patuloy pa din itong nagbibigay ng magandang serbisyo.
     Bagamat kilala ang Don Bosco Makati bilang isang all-boys private school, ang Senior High School Department nito ay tumatanggap ng mga babaeng mga mag-aaral. Mula sa pagiging isang teknolohikal at research-oriented na paaralan, ang Senior High School Department ng Don Bosco Technical Institute of Makati ay nakapag-bibigay ng de-kalidad, malawak at makabuluhang edukasyon para sa mga mag-aaral nito. Ipinapairal ang payapa, maginhawa, at kalidad na pag-aaral sa tulong ng mga propesyunal, edukado, at mapag-bigay na mga guro, makabagong mga materyal at kagamitan para sa mga mag-aaral at guro, at sistematikong kurikulum na naka sentro sa mga turo ng simbahan at ni Don Bosco.
      Sa kasalukuyan, ang Senior High School Department ng Don Bosco Technical Institute of Makati ay nakakapag-handog ng apat na strands. Ang apat na strands na ito ay ang Science, Technology, Engineering, Mathematics Strand o STEM Strand, ang Accountancy, Business and Management Strand o ABM Strand, ang Humanities and Social Sciences Strand o HUMMS Strand, at ang Arts and Design Strand o A&D Strand. Ang mga strands na ito ay nagsisilbing unang hakbang at gabay para sa paghahanda ng mga mag-aaral sa kolehiyo at sa kalaunan para sa kani-kanilang mga propesiyon.
      Bukod pa sa mga regular na kurso na nasasama sa nasyonal na kurikulum ng Senior High School ng DepEd, ang Senior High School Department ng Don Bosco Technical Institute of Makati ay naghahandog ng mga Empowerment Technology Subjects o E-Tech sa mga estudyante nito bilang karagdagang kursong pang-espesyalidad ng kanilang strand. Para sa ABM, HUMMS, at A&D strands, isang E-Tech subject lamang ang mapagpipilian. Samantala, para naman sa STEM stand, limang E-Tech subjects ang mapagpipilian. Onti-onting prumuprogreso ang mga E-Tech Subjects na ito, mula sa ikalawang termino ng Grade 11 hanggang sa katapusan ng Senior High School.
      Hindi lamang kalidad na pag-aaral ang ibibinibigay ng Senior High School Department ng Don Bosco Technical Institute of Makati. Bilang isang paaralan na naka sentro sa mga turo ng simbahan at ni Don Bosco, tinuturuan ang lahat ng mga mag-aaral ng mabubuting-asal. Sa pagsasagawa ng regular at kaengga-engganyong mga pangyayari at aktibidad, hindi lamang nahahasa ang mga kasanayan at abilidad ng mga mag-aaral ngunit natuturuan din sila ng tamang pakikitungo sa iba.
      Kahit sa panahon ng Online o Virtual Learning ngayon, natutupad pa din ng Senior High School Department ng Don Bosco Technical Institute of Makati ang mga layunin, tungkulin, at hinding hindi nabibigo nito ang mga inaasahan ng karamihan. Sa tamang pag-implementa ng naaangkop na programang pang-edukasyon, pati na rin ang pag-gamit ng nararapat na teknolohiya sa sitwasyon, mabilis at sistematikong nakapag-adapt ang departamento sa bagong sistema ng edukasyon at napanatili ng departamento ang magandang serbisyo nito. Bagamat iba mula sa nakasanayan, ang inaasahang kalidad na edukasyon, sapat na material at teknolohiya, mabubuti at edukadong mga guro, mga kapana-panabik na aktibidad, at ang pagkakaroon at pagsasa-buhay ng kabutihang-loob ay natutupad at naibibigay pa din ng paaralan sa mga mag-aaral nito. #Tekstong Deskriptibo
Ang Nakakasabik na Paglalakbay sa SHS ng Don Bosco Makati sa Gitna ng Pandemya
Ni Christian Dalid      Unang bahagi ng taong dalawang libo't dalawampu, nagsimula ang di inaasahan na pandemya na nagdala ng negatibong resulta sa ating bansa, lalo na sa ating edukasyon. Maraming maguusisa kung sulit ba parin ipagpatuloy ang pag-aaral sa isang pribilehiyong paaralan, isa dito ang Don Bosco Technical Institute - Makati. Ang sagot diyan ay oo, bakit? Dahil una noong nag deklara ng pagtigil sa pagpasok ng mga aspiranteng estudyante sa mga paaralan. Mabilis umaksyon ang DBTIM at nagtalaga agad ng epektibong sistema sa pagsasagawa ng 'online classes'. Tiyak ako na maatas parin ang kalidad ng pagtuturo ng mga mahuhusay na guro kahit sa bertwal na pagtuturo at kung nag dadalawang isip ka parin, naituturing kakaiba parin ang edukasyon dito dala ng 'dual curriculum' ng paaralan at epektibo itong naitupad sa mga bertwal na klase at ang bawat strand; Science, Technology, engineering, mathematics (STEM), Accounting and Business (ABM), Humanities and social sciences (HUMMS) ay maaaring pumili sa iba't ibang impormatibong e-tech tad ng Computer aided design (CAD), Computational Thinking (CT), Electrical Installation at iba pa.Â
     Walang araw papasok kang malungkot o may kaba sa damdamin dahil sobrang bukas ang mga guro sa kanilang estudyante at maaari kang magtanong tungkol sa mga kinalilituhan mo sa mga talakayan, hindi lang yon, bukas rin ang mga guro sa mga hinaharap mong personal na problema sa buhay kaya maituturing mo narin silang bilang pangalawang magulang. Kung ang problema mo naman ay ang pagsyoso sa mga ibang Bosconians ay hindi yan malaking problema dahil halos sila na ang mangungulit at uusal ng kahaba-haba sayo, maaari mo na rin sila maging kagrupo at kaibigan na tunay.
     Kaya sa huli, wala talagang malungkot na araw dito sa Don Bosco Technical Institute - Makati at kahit tayo parin ay magkikita bertwal ay hindi yun humahadlang sa ating kasipagan mag aral bagkus mas nag bigay sigla ito upang pagbutihin ang pag-aaral ng isa't isa. #Tekstong Naratibo
Buhay SHS sa Gitna ng Pandemya
Ni Jacob Calixto
     Dumaan ang 2020 at nagulantang lahat tayo dahil sa pandemyang dulot ng Covid-19. Sa panahong ito, ako ay nasa JHS ng DBTI, ika-10 baitang. Walang nag-aakala na mangyayari ang ganitong karumaldumal na sitwasyon. Inaasahan kong makakabalik na ako ng paaralan dahil mag-uumpisa na ang pagsabak ko sa SHS. Ako ay mistulang nabigo.Â
     Nag-isip ako nang matagal at nang malalim.  Ano nga ba ang kukunin ko pagdating ko sa ika -11 na baitang?  Wala naman talaga akong balak umalis ng Don Bosco.  Nais ko pa rin makapiling ang mga kaibigan ko at napamahal na ako sa paaralan na ito.  Ang katanungan lamang ay ano sa 4 na programang inaalok ng DBTI ang napupusuan ko?  Pinag-aralan ko at dahil sa matinding pagsasaliksik, nalaman ko na ang Senior High School (SHS) ng Don Bosco Technical Institute of Makati ay nag-aalok ng mga makabagong programa kung saan ang mga ito ay ipinapatupad at hinahawakan ng mga may karanasan, may kakayahan, at kwalipikadong mga guro at tauhan na nagbibigay ng de-kalidad, malawak at makabuluhang edukasyon sa pamamagitan ng isang kurikulum na may teknolohikal na oryentasyon at matatag na batayan sa mga doktrina ng pananampalatayang Katoliko. Dahil dito, hindi na ako nagdalawang-isip. Pinili ko ang STEM dahil ang binabalaik kong kunin sa kolehiyo ay ang kursong Game Development.
     Mayroong apat na inaalok na programa ang SHS Don Bosco Makati at ito ang mga sumusunod - STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics), ABM (Accountancy, Business and Management), HUMMS (Humanities and Social Sciences) at Arts and Design Track (Media & Visual Arts).  Mula’t sa simula, alam ko na ang nais kong pasukan at ito ang STEM Strand. Sa pamamagitan ng STEM Strand, ang mga mag-aaral ay hantad sa mga kumplikadong teorya at konsepto sa matematika at agham na magsisilbing pundasyon para sa kanilang mga kurso sa kolehiyo.  Dito ako naengganyo kung kaya’t STEM ang sagot sa aking katanungan!
     Ilan-ilan sa aking mga kaibigan ay napunta naman sa ABM, HUMMS and Arts & Design Strands. Sa kasalukuyan, ako ay natanggap at nasa ika-11 na baitang, ikawalang termino na sa ilalim ng STEM Strand ng SHS sa DBTI Makati.  Naglalaban ang saya at lungkot na nararamdam ko ngayon.  Masaya ako dahil nanatili pa rin ako sa DBTI at sa STEM ako nakapasok.  Malungkot ako sa isang banda dahil hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang kasagsagan ng pandemya. Nangangamba na naman ang lahat dahil sa pagpasok ng Omicron variant.  Aking napagtanto, sa kahuli-hulihan, isang malaking oportunidad ang aking natamo bilang isang mag-aaral na maging bahagi ng programang ito. Pagkalipas ng isa pang taon, layunin ko na magtapos at tumungo sa bagong yugto ng aking buhay - ang pagsabak sa kolehiyo o unibersidad.















