minsan gusto kong magsumbong sa'yo
kapag pagod na pagod na ako
naniniwala ka ba sa knight in shining armor? or sa tingin mo masyado siyang korni pakinggan dahil pambata ang mga ganung ideya? kasi ako, naniniwala ako sa mga ganun. alam kong matatawa ka kapag sinabi ko 'yan sa'yo pero gayunpaman, handa ka pa rin makinig sa rason kung bakit ko pinaniniwalaan ang mga ganung bagay.
alam mo ba bakit ako naniniwalang totoo sila? dahil sa'yo. alam kong itatanong mo sa akin kung seryoso ba ako, at oo. seryoso ako.
sa tuwing umuuwi akong luhaan dahil sa mga tukso ng mga kaklase natin noon, palagi kang nandiyan para samahan ako o kaya naman ipagtanggol ako. hindi mo hinahayaan na masaktan ako lalo na ng mga mararahas nilang salita.
sa tuwing hindi ko na kinakaya ang pagod na nararamdaman ko at pakiramdam ko sasabog na ako, nandiyan ka para makinig sa akin. para sabihan ako sa mga dapat at hindi ko dapat gawin at iwasan.
nandiyan ka para yakapin ako nang mahigpit at sabihing:
"nandito lang ako palagi sa tabi mo. handang makinig sa'yo."
tama pa bang init ng yakap mo
ang hinahanap ko
yakap mo ang naging dahilan kung bakit kinakaya ko lahat ng pagsubok. yakap mo ang nagsisilbing boses sa mga utak ko para sabihin kaya ko lahat, hindi dapat ako sumuko dahil malayo na at malayo pa ang mararating ko. yakap mo ang dahilan bakit nakakatulog ako nang mahimbing tuwing gabi. natutulog nang hindi nakakaramdam ng sama ng loob.
ngunit yakap din ang ibinigay mo sa akin sa huling pagkikita natin.












