11/07/25, 06:19 pm, Monday
When I say I won't be consistent.. I probably do.
Worst day to wake up again. First thing I read when I woke up today was my dog died this morning. My 6 year old rescue dog... while I am away from home. It hurts. Pero hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman - malungkot pero nasa isip ko parang a bit of relief narin siguro sa maraming parte.
Busy sila mama. Although, lagi lang naman nasa labas si Fury. Hindi kailangan bantayan. Pero, may time kasi na imbis pahinga na nila sa gabi, magpapapakain pa.
Hindi na sya magugutom. Bukod sa laging busy sa bahay, wala namang maayos na pagkain dun pang aso. Kahit tubig, wala. Minsan, sa tubig balde nalang siya umiinom. Nasabi ni mama na kumakain daw sya ng semento. So, I think he mistakenly thought of pieces of cement as food sa sobrang gutom.
Hindi sya naaasikaso. Hindi napapaliguan, tapos ang dami nang kuto. Naging okay na sya eh, kaso yun nga hindi naman natututukan. Unlike before, na nasa bahay ako or si Gerald.
Ayun yung mga parte na naiisip ko. Na hindi na sya mahihirapan, hindi na nya need magworry sa pagkain.
Pero nakakalungkot kasi namatay sya ng wala ako sa tabi nya. Or sa bahay. Buti nakauwi ako nung nakaraan, nakamusta ko sya. Dun ko nakita yung kondisyon nya. Malakas pa sya eh pero paubos na yung buhok.
Tama nga sila na aso ang pinaka loyal sa buong mundo. Naalala ko dati, alam nya yung tunog at itsura ng motor namin. Birthday ko yun, tapos ginamit ng kaibigan ko yung motor namin para bumili. Ang ginawa nya, sinundan nya hanggang sa pinaka kanto ng luma naming bahay. Siguro na-realize nya na puro na kotse yun, huminto sya dun. Tapos, nakauwi na yung kaibigan ko pero sya wala parin. Inantay nya pala yung motor na bumalik ulit. Nalaman ko yun kasi hinanap ko sya eh. Nung nakita nya ako, tuwang tuwa sya. Pero ako, takot that time kasi akala ko nawala ko sya.
Ngayon... wala na talaga sya.
I will miss you Fury. You're the first dog who thought me of patience. I love you so much, my Chuchu. I hope pag bumalik ka sakin, yung may pera na ako. Yung kaya na kitang alagaan, asikasuhin, at hindi mamomroblema sa kakainin at iinumin sa araw araw. Sabay kayong bumalik ni Ash ha?













