Noong 2001, ang taon na ako’y isinilang sa mundong ito ay siya ring taon na pagsikat ng palabas na Meteor Garden. Ang Meteor Garden ay isang palabas na nagmula sa Taiwan na pumatok at nabihag ang puso ng mga taong manunuod na nagmumula pa sa iba’t ibang parte ng mundo. Ito ay pinangungunahan nila Jerry Yan, Barbie Hsu, Vic Chou, Vanness Wu, Ken Chu at marami pang ibang artista na tila tumatak sa puso at isipan ng maraming mamamayan at iisa na rito ay tayong mga Pilipino. [1]Makalipas ang apat na taon, sinundan ito ng part two na ipinamagatan Meteor Garden 2 na siya ring tinutukan at inabangan ng mga tagapagsupporta. Dahil sa Meteor Garden, dumami ang tagatangkilik ng asianovelas dito sa Pilipinas at isa sa mga iyon ay ang aking nanay at mga tita. Kaya naman sa aking paglaki, Meteor Garden ang isa sa mga hindi ko malilimutan na naging parte ng buhay ko nung ako’y bata. Sa aming bahay, tanaw ko ang collection ng DVD ng aking nanay mula sa episodes ng part one at two hanggang sa mga hindi malilimutan nilang mga kanta. Hindi dito nagtatapos ang meteor fever, paglipas ng ilan pang taon iba’t ibang bansa sa asya ay gumawa ng remake na sinubaybayan at minahal rin ng madla. Sa taong 2005, ang Japan ay naglabas ng kanilang sariling version na pinamagatang Hana Yori Dango.Hindi lang yun, noong taong 2009, naglabas ng sariling version ang bansang Korea na pinamagatang Boys Over Flowers. At noong nakaraang taon ang bansang China ay siya ring gumawa ng remake na ipinamagatang Meteor Garden 2018. Lahat ng iyon ay hango sa original series na Meteor Garden at nakatanggap ng mainit ng pagsupporta. Kaya para saakin, walang anumang asianovela ang makatatalo sa Meteor Garden dahil ita ang panimula ng lahat.[2]
Sa situasyon itong makikita ang impluensya ng pop culture sa maraming aspeto. Noong mga panahon na iyon, tila ang mga suot at gupit ng F4 ay ang trending at in na porma. Hindi lang diyan nagtatapos, pati rin ang gamit gamit na theme song para sa nobela ay minahal at tinangkilik ng mga tagapagsupporta ng palabas. Sa katunayan, meron pang tagalog version na ito na pinamagatang Biyahe ni Josh Santana. HIndi lang iyon, pati narin sa paguugali ng mga bida na sila Sanchai at Dao Ming Si, marami tila na kababaihan ay numanais na makahanap ng kanilang sariling version ng Dao Ming Si na kahit matigas ang puso sa panglabasan na anyo ay siyang kabaliktaran pag kay San Chai. Iba naman ay ninanais maging tulad ni San Chai na matapang at walang inuurungan basta alam niya siya’y tama. Hindi lamang iyon, nakikita rin sa iba’t ibang version ng meteor garden na ang pop culture ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng taon. Ang uso noon ay hindi na gaya ng uso ng nakalipas na taon na makikita sa pananamit ng iba’t ibang version ng meteor garden.
Dahil sa Meteor Garden, aaminin ko na nakain ng pop culture ang aking systema. Nalulunod ako sa kaisipan na ang ideal na mamahalin ko ay katulad ni Dao Ming Si dahil sa hindi maexplain na pagkahanga ko sakanya na kahit anong gawin niya as sobra parin ang pagkahanga ko sakanya. Ngunit kung iisipin, kung hahangad na lamang ako bakit hindi sa taong mas bubuti pa kay Dao Ming Si na simlat sa una ay may malambot ng puso sa kapwa hindi ba? Kaya totoo talaga na nag pop culture ay may malaking impluwensya saatin kaya naman dapat tayo ay marunong magbatid kung alin ang tama sa mali.
Ngunit lingid doon, tila ngayon ay hindi maiwasan ang pagkawili ko sa Meteor Garden dahil isa ito sa naging malaking parte ng aking kabataan na nagbigay saya sa buhay ko.Kaya naman kahit noong 2018, hindi ko pinalampas at sinubaybayan ko parin dahil sa tuwing pinapanuod ko ito ay ibinabalik niya ang lahat na nakatutuwang alaala noong ako’y bata pa.